Knight changed after our trip from the zoo. Mas naging magaan siyang kasama sa bahay. He always cook for me. Agahan at ang baon ko and every night I will cook for him.
"Ready?" sigaw nito sa akin habang nasa first floor siya.
"Coming" sigaw kong pabalik at patakbong bumaba ng hagdan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. His eyeing my uniform.
Sinabayan ko siyang maglakad.
"You should wear longer skirts. Tumangkad ka ba o talagang maiksi yang palda mo?" iritado nitong tanong.
Sinipat ko ang suot kong palda. Wala namang pinagbago ganun pa rin.
"There's nothing wrong on my skirt. Ganito naman talaga ang uniform ko" sabi ko at pumasok na sa shotgun seat. Isinuot ni Knight ang seatbelt niya bago ako nilingon.
"I'll order you a new set of uniform. Donate your uniforms" utos nito. Natawa ako sa sinabi niya.
"Nagsasayang ka ng pera"
"It's okay to waste money kesa naman mabastos ka sa suot mo. Donate it or I'll throw it away" masungit nitong sabi bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Lihim akong napangiti sa sinabi niya.
Uy, concern yan!
Tinigil ni Knight ang sasakyan niya sa parking lot. Medyo maraming estudyante ngayon sa hinintuan niya. Usually kasi sa sulok kami nagpaparada ng sasakyan para walang estudyante hindi ko lang alam bakit ngayon ay sa ibang pwesto kami nag park.
"Baka makita nila tayo" kinakabahan kong sabi kay Knight at tinanggal ang seatbelt ko.
"Ano naman? Is there something wrong you going out on your husband's car?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Akala ko ba you don't want them to know about us?" panghahamon ko sa kanya. Tinitigan ako nito bago siya napabuntong hininga.
Naningkit ang mata nito habang nakatitig sa akin pero tila tumatagos ito sa likuran ko kaya naman nilingon ko ang tinitignan niya.
I saw Ava walking towards our car. Galit ang ekspresyon ng mukha nito.
"Oh no. I don't want to be here baka ako na naman pagbalingan ng galit ng girlfriend mo" kinakabahan kong sabi.
"Let me correct you. Ex. Ex-girlfriend" sabi ni Knight na ikinagulat ko.
"W-wala na kayo? Since when?" pang uusisa ko dito pero hindi ako nasagot nito nang biglang pumasok si Ava sa backseat ng sasakyan.
"Let's talk" hindi ako tinapunan nito ng tingin. "I need to talk to Knight alone" seryoso nitong sabi nang hindi ako binabalingan ng tingin.
"Ow, sorry. I'll get out now" alanganin akong napangiti at bumaba sa sasakyan ni Knight.
I was about to walk away nang bumusina si Knight sa akin. Binaba nito ang bintana ng sasakyan niya at sinilip ako mula doon.
"I'll fetch you later" sigaw nito. Napansin ko ang pagbaling ng ilang tingin sa amin dahil sa pagsigaw niya.
I nod at Knight bago nagmadaling naglakad palayo sa parking lot.
Ano kayang pinag usapan nila Ava at Knight? Nagkaayos kaya sila? Nagkabalikan ba?
Ilan lang yan sa mga tanong na patuloy na bumabagabag sa isipan ko habang nasa klase ako. Hindi mawala sa isipan ko na silang dalawa lang ang naiwan sa loob ng sasakyan.
Paano kung nagkaayos na sila? Babalik ba kami sa dati ni Knight? Pero mas gusto ko na siya ngayon. Mas gusto ko na ang nakakasama kong version ni Knight ngayon. Gusto ko na siya.