CHAPTER 4

7.1K 166 5
                                    

#4: Who's That Guy

- - - ¤ - - -

"GG!" Inis na sabi ni Alfie habang tinutusok ang carbonara niya. Poor carbonara!

"Huh? Anong GG? Girl's Generation?" Kpop yun ah! Anong meron sa GG at parang galit tong si Alfie?

Nasa Coko Café kami dito sa loob ng campus. MIA kasi si Shay. I wonder kung asan na naman kaya iyon.

"Hindi! Tange! GG as in grabeng galit aketch! Gets?" Tumango ako. Ahh yun pala ang meaning nun. Akala ko talaga Girl's Generation. Naalala ko tuloy si Faye. Kamukha niya kasi si Yoona eh! OMG!

"Bakit na naman ba?"

Tiningnan niya ako saka bumuntong hininga.

"Wala. Kumain ka lang dyan mars at nangangayayat ka na. Pinapakain ka ba ng jowa mo? Kung hindi, ibigay mo na lang siya sakin at ako ang magpapakain sa kanya." Sabi niya sabay higop sa frappe niya.

Hindi ko na lang pinansin yung huli niyang sinabi pero napanguso ako sa sinabi niyang nangangayayat ako. Pumayat ba ako?

"Hay, stress lang kasi sa acads." Sabi ko. Finals na kasi eh. At marami pa akong requirements na dapat ipasa. Plus, finals na kaya sobrang aral na talaga. March na kasi eh.

Nangalumbaba siya at tumingin sa labas. Nasa may gilid kasi kaming part kung saan katabi ng glass window. Napatingin ako sa mukha niya at parang may nakita akong purple mark sa may right cheek niya.

"Ano yan?" Hahawakan ko sana pero iniwas niya ang mukha niya sa kamay ko. "Pasa ba yan?" Napakunot ang noo ko. He tried to cover it up pero halata naman sa malapitan.

Hindi siya nakasagot agad na para bang tinitimbang kung ano ang isasagot sakin.

"A-Ah oo. Nauntog kasi 'yung pinto sa'kin kanina. Don't mind it. Ubusin mo na nga yang pasta mo para tumaba ka. Sayang ng ganda mo mars." Kinuha niya yung tinidor ko saka ako sinubuan bigla.

"Mmff! Alfhieeeh! Ehnebeh!" Grabe ah, punong puno ang bibig ko. Hmp!

Pero sa tingin ko nagsisinungaling siya. Nauntog pero ganong kalaki ang pasa? Oo, uto-uto nga marahil ako pero hindi ako boba para hindi alam ang itsura ng pasa. Nakailang ganyan na rin sina kuya Kyle ko at si Boo eh. Pati nga sina Kirbs at mga boy friends ko kaya 'di na sakin bago 'yan. Take note: Magkahiwalay ang boy at friends. Baka sumabog si Mike.

Hay, I want to ask him sana pero ayokong manghimasok. Mukhang ayaw niya ring pag-usapan. I know si Shay ang makakacomfort sa kanya. Pero asan na ba yung si Shay?

"Ayan, mataba ka na. You look cuter with that look. Chubby face!" Sabi niya habang sinusuri ang mukha ko. Sinimangutan ko siya with my pouted lips. Lakas mangtrip eh. Hmp!

Nilunok ko na yung pasta saka uminom ng iced tea. Batukan ko 'to eh. Speaking of batok, paparating na si batok Queen kasama si Binabatukan King. Haha!

"Hi bes!" Nagbeso kami ni Anne saka sa umupo sa tabi ko.

"Yow people. Wow, pasta! Pahi---" I shoved his face away saka nilayo ang pasta ko sa kanya.

"Hep hep! Bumuli ka ng sarili mo at layuan mo ang pasta ko." Inilayo ko na yung pasta ko kaya ngumuso siya. Haha. Nakakatawa kasing makitang trying hard magpacute si Kirby.

"Hmp. Kuripot." Uupo na sana siya pero napansing si Alfie ang makakatabi niya since nasa tabi ko na si bes. Apatan lang kasi 'to since wala naman si Shay. Ngumiwi siya ng makita si Alfie na nagbeaubeautiful eyes sa kanya.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon