#63: You May Run, But You Can't Hide.
- - - ¤ - - -
"Wow ang ganda!"
"White sand! Bongga!"
Lahat kami namangha sa ganda ng private resort na aming tutuluyan. Entrance palang ay bongga na nga, ano pa kaya kapag sa beach part na? Naexcite tuloy ako at muntik na ring magreact pero naalala kong si KC Hwang pala ako. Shemay, ang init na paglabas namin ng plane. Gusto ko ng maghubad!
Villa Resorts and Spa
Wait, Villa? Kina Sandy ba ito?
"Tama nga ang sabi ni Key na maganda dito. He said Sandy's family owns this at private resort nga ito. Piling tao lang ang nakakapunta dito." Pagsagot ni Aubrey sa katanungan sa aking isip. Wow. So kina Sandy nga!
"And we are one of those chosen ones!" Nakangiting sabi ni Nimfa.
"I heard they have infinity pool. Can't wait to take a dip later!" Excited na sambit ni Audrey sabay alis ng kanyang kimono, leaving only her tube top. Lalo tuloy akong nang-init sa suot ko. Huhu. Hindi ko na kinaya pa. Kaya naman when we went to the reception area.. siniko ko si Aubrey at binulungang oras na dahil naiinitan na ako. Natawa siya at nagbluetooth sila ng kambal niya na ngumisi. Hay, finally!
"So Miss KC.. Kasama ka rin ba saamin sa paglilibot mamaya?" Tanong saakin ni Audrey.
"Eh?" Bakit naman iyon ang sinabi niya? She supposed to reveal who I am!
Pero nakita ko ang pagtataka sa mukha ng tatlo.
"Ang cute. Parang si Kim lang." Sabi ni Ouiea. Tumango sina Nimfa at Imo sa sinabi niya while the twins chuckled.
"I heard walang ice cream dito eh. Sayang, ang init pa naman." Sabi pa ni Aubrey na ikinagulat ko.
"Eh?! Bakit wala?!" Hindi pwede 'to! ZG told me na may ice cream daw dito eh!
Ngumuso ako at nagtantrum na parang bata. Kasi naman ang init tapos Summer tapos nasa beach tapos perfect na sana eh.. Tapos walang ice cream?! No way!!!
"Seriously?"
"Teka.. Tama ba ang naririnig at nakikita ko?"
"Sigurado ba kayo A-Twins na hindi si Kim 'to?"
Lahat sila nakatulala saakin at tila nakakita ng multo. Inis kong inalis ang sumbrero ko at pati shades ko.
"Tell me you're kidding. May ice cream dito at nagjojoke lang kayo!"
Pero wala naman ako nakuhang sagot. They were all gaping at me. Nag-aabang naman ang kambal sa susunod na reaksyon ng tatlo habang nakangisi. Ice cream.. Huhu!
Then they all shouted..
"KIM?!"
I crossed my arms.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...