CHAPTER 50

2.3K 88 4
                                    

#50: I Smell Trouble

A/N: A combination of dark and light chapter.

- - - ¤ - - -

"Took you long enough." He said in a deep voice.

What is he doing here?!

"Nice PJ's." Sabi niya with amusement habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko. Nag-init ang pisngi ko ng marealize kong suot ko pala ang Hello Kitty kong PJ's. Eh pink si Hello Kitty eh kaya meron ako. May Barbie pa nga.

Nilapitan ko siya at hindi pinansin ang remark niya. Inggit lang 'yan I'm sure.

"Huy! Bakit ka nandito? Alam mo ba kung anong oras na?" Pasigaw na pabulong kong tanong. "At pano.." Tumingin ako sa may railings pero wala namang hagdan na nakasandal. "Paano ka nakaakyat dito?!"

Nagtaas siya ng kilay.

"Uhm.. By the tree?" Sabi niya as if it's the most obvious thing sabay turo niya sa puno na malapit sa balcony ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?! Inakyat mo 'yang puno na 'yan para maakyat ang kwarto ko?! Hibang ka na ba?"

Kasi naman si Mike hindi naman totally inaakyat 'yung punong 'yun. May hagdan naman na hanggang kalahati ng puno. He's crazy!

"The last time I checked I was pretty normal. And awesome too." He smiled mischievously.

"Umayos ka nga! Kita mong nawiwindang ako sa'yo dito eh! May sa maligno ka ba?!" Natawa siya.

"First, hibang.. Now, maligno. Do you really think I'm that odd?" He said, amused. "Look here, you asked me, I answered you. Paano pa ba ako makakapasok dito bukod dito sa balcony mo? You want me to come from your front door para mabulabog ang buong pamilya mo?" He smirked. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "And besides.. This is the most convenient way to reach you. So can we drop this subject now?"

Hays! Ang weirdo talaga ng lalaking 'to.

"I'm not a weirdo. You just don't know me." He laughed.

"Stop reading my mind!" I knew it! He's a weirdo! "Bakit ka nga kasi nandito? Anong oras na oh! Hindi ka ba hinahanap sa bahay niyo?!"

"They wouldn't even know I went out." He shrugged tapos nagtaas-baba ng kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"Aish! Kung wala kang magawa, 'wag mo akong idamay. Matutulog na ako, okay? I'm dead beat so yes.. Chupi ka na." Sabay taboy ko sa kanya.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon