CHAPTER 23

2.9K 102 1
                                    

#23: Saranghae Fam

- - - ¤ - - -

"Bilis Boo! Baka hinahanap na tayo nina oppa at insan." Sabay hila ko kay Mike habang papasok kami sa Ford International Airport.

Susunduin na namin sina kuya Kyle at Marky. I woke up late dahil sa halos ala-una na ako nakatulog dahil kay Aubrey. Hindi ko na nga matandaan kung saang topic kami napadpad basta ang alam ko lang ay nakasali na ang Nutella doon. At ako ang nagbigay ng topic na 'yun.

Kaya eto at late na kami. It's 8:10AM at halos six hours lang ang tulog ko. Mabuti nga at natakpan naman ang eyebags ko. I really thank the creator of concealer. Isa siyang henyo!

"Relax lang Baby Boo. Hindi ka naman iiwan 'nun. Tayo ang sundo nila, remember?"

"Eh kahit na! Gusto ko na silang makita. Kaya dali!" He chuckled and grasped my hand tighter. Bumilis na rin siya ng lakad pero hindi pa ako satisfied. I wanna run!

Hindi naman karamihan ang tao dito. Kaya siguro ay madali namin silang makikita if ever nakarating na sila. Ng marating namin ang arrival area, nilibot ko ang tingin ko at tinalasan pa ang paningin. Naghanap ako ng dalawang balbas-saradong nilalang. And there, with towering heights, I saw them with their luggages. Napangiti ako ng malawak at bumitaw sa kamay ni Mike. Mabilis kong tinakbo ang pagitan naming tatlo.

Ng malapit na ako ay nakaisip ako ng ideya. Hihi.

"Marky!!!" Sabay takbo ko sa kanya. Ngumiti siya ng makita ako and I crushed into him. Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang dibdib, meaning he's chuckling.

"Missed me that much?" Kumalas ako ng yakap at nginitian siya.

"Hindi naman. Sakto lang." I chuckled. Nang-aasar lang ako kay kuya Kyle. Haha! Speaking of him.. Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakataas ng kilay. Success! Haha.

"Oh oppa! Nandyan ka pala." Pinanliitan niya ako ng mga mata. Ang singkit na nga niya, ngayon halos wala na siyang mata.

"Tama bang unahin ang pinsan sa sariling kapatid? What a very warm welcome coming from my own sister." Sambit niya. I laughed. Asar talo talaga.

"Oppa!" I jumped into him and bear hugged him. Hindi siya yumakap pabalik. "Oppa naman eh! Binibiro lang kita! I missed you!" Ngumuso ako. In the end, he hugged me back. Napangiti na ako.

"Hindi ko na sana ibibigay ang pasalubong mo eh. Sayang." Ngumuso ulit ako. How can he do that to me?! "Just kidding. I missed you too, little sis na ngayo'y may ibang lalaki na. Na kahit kaaapak ko palang sa Pinas, sinaktan na agad ako." Pagdradrama ni kuya sabay gulo ng buhok ko. Ngumiti ako. I really missed my brother.

Hinarap ko silang dalawa ng naramdaman kong may tumabi saakin. I already know who it was.

"Mike!" Si Kuya Kyle.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon