#19: My Wife
- - - ¤ - - -
"So ZG, you and Ms. Zoey Zuñiga already broke up last week and it was the talk of the whole country. We actually had an interview with her and she said that she broke up with you because you're.. Sorry for the term.. A cheating bastard. What can you say about that?"
Sumama ang timpla ng mukha ni Mr. Cheater at the mention of his ex. Pati ako ay nagulat dahil alam ko 'yun. I was there when that break-up happened. Grabe palang makabangga 'yung si Zoey.
"I have nothing to say. Let's just let it be that way. She can say whatever she wants to say. But we both know what really happened." He just showed an impassive face. What really happened? Ano ba talagang nangyari?
Wait. Bakit ba ako interisado? Gulo lang ang hinahanap ko. Erase!
"Okay, we respect your answer. Anyway.. Our sources say that you guys started your band three years ago. Is that correct?" Tanong ni VJ Love sa Prizm.
Tumango silang apat.
Interview na ng Prizm by DJ Love at eto kami at tutok na tutok sa TV sa bahay namin sa aming sala. Live din kasi aside sa radio and online. Mas maganda kapag malaki ang screen. Mas makikita namin sila.
"Is it also true that your band started with original five members?"
Nagkatinginan sila at parang nag-uusap sa pamamagitan ng tingin. Tumango si Zyrone after awhile. Kita ko ang bulung-bulungan ng mga fan na nandoon sa studio.
"Oh, can you tell us what happened? Why you're just four now?"
"Sorry but that is a classified information." Seryoso ngunit nagpapatawang sabi ni Key. Batid ko rin ang pagseseryoso ng ibang miyembro. Siguro for the guy's protection na rin. Pero sigurado akong hindi matatahimik ang media dito.
"Okay, we understand." Sabi nalang ni DJ Love.
Nagkabreak muna at patalastas ang nakita namin. Ano ba 'yan, pabitin naman!
"Wow, talaga? Lima sila dati? Then sino ang ikalima nila dating member?" Tanong ni Aubrey.
"Oo nga. Gwapo rin kaya 'yun?" Sabi naman ni Audrey ng nakangisi.
"Puro naman 'to gwapo."
"Walang basagan ng trip my twin." Audrey made a face kaya umirap si Aubrey.
"Oh my gahd! Yiii! Sinetch itey nga?! Curious ang brain cells ko!" Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw ng katabi ko.
Oo nga pala. Andito rin si Alfie. Nagtipon-tipon kaming fans ng Prizm. Fan na nila ako eh. Kahit pa andun 'yung si Mr. Cheater at vocalist pa. Magaling talaga kasi sila.
"Late reaction lang?" Sabay tawa ko.
"Pwedeng kumakain kasi? Alangan naman tumili ako habang may laman ang bibig ko? Heler? Edi nabulunan ang beauty ko?!"
I chuckled. Talagang beauty? Kumakain pala kasi siya ng popcorn. Feel na feel niya kasi ang panonood na parang nasa sine lang. Eh malay ko ba.
"Alfie, lakasan mo nga ang TV! Mas malakas pa ang bunganga mo kaysa sa pinapanood eh!" Utos ni Audrey. Tinaasan siya ng kilay ni Alfie.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Umorismo"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...