#52: Alam Ko Na- - - ¤ - - -
"Multo?"
"Oo Yasmin! May multo kanina. Tinawag 'yung pangalan ko!"
Tumawa si Yasmin sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa sa multo? Nakakakilabot kaya!
"Kim, walang multo dito. I've read the hotel's background at wala namang namatay sa hotel na 'to."
"Pero it doesn't mean na walang namatay dito noong panahon! Malay natin kung may mga kaluluwang ligaw dito!" Pagrarason ko.
"Kim, this place was a clearing during the Spaniards' Era and even before that. Walang namatay dito kaya walang multo. And I am a psychic myself so I know kung may paranormal things sa isang place."
"Eh?? Psychic ka?!" Akala ko si bes lang ang psychic! OMG!
"I am. I can see spirits and so far, wala pa naman dito. Sa EU lang meron—"
"Aish! Tama na. Oo na, ikaw na ang psychic." Ayoko nang marinig ang sa school ko kasi baka maging paranoid na ako palagi niyan. "Pero sure ka ha? Walang multo dito."
She nodded.
"Affirmative. I'll just tell you kung may makita ako." I waved my hands dismissingly.
"Ah no thanks, Yasmin. Sabi nga nila—the less I know, the better." I quoted Marky's and Bagyo's words. Yasmin shrugged with a smile.
"So pano 'yan? We need to divide our tasks." I nodded.
"Well since ten rooms dito, tiglima tayo. Ako nalang sa left side tapos ikaw sa right. Nakilala ko na kasi 'yung nasa Room 504." Sabi ko ng nakangiti. Ngumiti si Yasmin at tumango.
"Fine with me. Pero walang nag-ooccupy as of the moment sa Room 508 eh." Sabi niya. 508? Wait, sabi ni Aubrey may gwapo raw na nagsstay doon pero minsan lang raw. Looks like wala siya ngayon dito.
"Ganito nalang, ako nalang sa room sa tapat nito—Room 507. Para hindi ka ganoong mapagod. 'Di ba may hika ka?" 'Yun kasi ang sinabi ni Ma'am Vivien kanina. Kaya raw mag-ingat siya at 'wag magpakapagod masyado. Alalayan ko raw siya.
"Hay binibaby na naman ako." Sabay ngiwi niya. Tumawa ako ng bahagya.
"Ganyan talaga, baby." Pang-aasar ko kaya siya sumimangot. Ayaw niya atang binibigyan ng special treatment. I like her na talaga. Hindi siya maarte at mabait pa. In the end ay natawa na rin siya pero umiling-iling ng marealize na wala na siyang magagawa pa.
So Rooms 202, 204, 206, 207 at 210 saakin. Five rooms for the morning at mamayang hapon ay sa ibang floor naman kami. Gaja!
So far, no sweat naman. Walang tao sa rooms 204 at 206 kaya pumasok nalang ako at naglinis ng room. Hindi naman kasi magugulo ang kwarto at sa totoo nga ay parang hindi naman ako naglinis talaga—nag-ayos lang. Piece of cake!
Room 507 na ako then I'm off to my last room. Si Yasmin, hindi pa tapos sa third room niya. Nagdoorbell na ako sa Room 507 and I waited. Kapag walang bumukas after a minute, papasukin ko na dahil ibig sabihin niyan ay walang tao sa loob. That's our rule. And so I did nga at nagbilang sa isip. Akala ko nga walang tao dahil lampas ng 30 seconds pero narinig ko ang pag-unlock ng door at bumukas na ang pinto.
I plastered my widest grin while holding my small trolley at the back. Naaalala kong babae ang nagsstay dito kasi dinalhan ko siya ng pagkain last week—kung nandito pa siya.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...