#20: Ms. Pinky
- - - ¤ - - -
Alas nuebe na ng umaga ng magising ako the next day. Napangiti agad ako ng makita ko ang unan na bigay ni Mike sa tabi ko. Oo, buhay pa rin 'to. Kinuha ko ito at niyakap at hinalikan. Madali kong tinungo ang CR at ginawa ang aking morning ritwals.
Nakangiti akong nakatingin sa salamin pagkatapos kong maligo. Friday ngayon at last day of exam. Finally bakasyon na! At syempre, uuwi na ang mga uuwi bukas at isa na doon sina Kuya Kyle at insan Marky. Hay, excited na ako!
♪ It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh, I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again ♬Pakanta-kanta ako habang nagsusuklay ng buhok ko. Nagbihis na ako ng aking susuotin for the day. I wore a pink skater skirt and white fitted top with pink studded necklace. Feel kong isuot ang paborito kong kulay ngayon eh. Pati nga sapatos ko ay pink rin. Umikot ako sa aking whole body mirror at napangiti sa porma ko. Ayan, I look good na!
Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Unlike the other days, nandito na sina mommy at daddy. Umuwi sila kahapon kaya after naming maggrocery ni Mike ay sinundo namin sila sa airport. At bukas, sina oppa naman at Marky! Hay, sana makauwi na rin agad si bes Bea. Miss na miss ko na siya kahit halos araw-araw kaming nagsSkype.
"How was your final exams, princess? Today's your last day of exam, right?" Tanong saakin ni daddy. Tumango naman ako habang nilulunok ang kinakain.
Tuwid na tuwid ang upo ko at mabagal kung sumubo dahil nasa harap ko si mommy. Poise and grace is important to her.
"Okay naman po dad. Dalawa nalang ngayon, isang practical exam."
"Cooking?" Asked mom and I nodded.
"Kayo po? How was the trip?" Namiss ko talaga sila eh. Buti nalang at makukumpleto na kami sa wakas after two years, bukas. Hay! Hindi na ako mapakali.
"It was better than we actually expected. The deal between the Barramedas' was closed earlier than expected." Sabi ni mommy.
Oo nga. They were supposed to go home later than kuya pero eto at nauna sila.
"And we will be having a dinner with Mr. Barrameda with his lovely wife on Sunday to talk about the said deal." Nakangiting sabi ni daddy.
"Lovely wife?" Taas-kilay na tanong ni mommy kay daddy. Kinuha ko ang juice ko at sumipsip para itago ang ngiti ko. Hala ka dad. Haha.
Naalarma si dad at agad binawi ang sinabi.
"Did I say lovely? Oh.." He awkwardly laughed. "Sabi ko witty. Ikaw lang naman ang maganda sa mga mata ko, honey." Sabay hawak ni dad sa kamay ni mom na nasa mesa. Pinanliitan siya ng mga mata ni mom.
"'Di ba princess, your mom's the most beautiful woman on earth? Daig pa niya ang Miss Universe." He asked me.
Ay? Dinamay pa ako ng magaling kong ama. Pero natatawa talaga ako. Buti nalang at napigilan ko at tumango ako. Pasalamat si dad at mabait akong anak. Haha.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...