CHAPTER 58

2.3K 84 6
                                    

#58: Small World

{ A/N: Sa mga nagbabasa ng The Mystique Four story ko. May SPOILER dito! Kaya kung ayaw niyong maispoil, kapag sa scene na ni Lyn at Chloe, skip it! Skip it I tell you! Skip it! :D You've been warned! Pero sige basahin niyo pa rin haha! }

PS. Get ready your hankies dahil sa magaganap! You've been warned! Enjoy! 😉

P.P.S. Dedicated to you dahil sobrang natutuwa ako sa comments mo. <3

- - - ¤ - - -

Kahit paborito ko ang kinakain kong ice cream, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Bakit naman kasi ganon nalang ang naging reaksyon ni Mike na suntukin pa si Bagyo eh ni minsan, hindi naman siya nananakit kapag nagseselos siya? He was never the basag-ulo type sa mga hindi niya naman kilala. Si Light kasi noon talagang alam niya ang masamang binabalak eh. But Storm.. Hindi siya ganon!

Pero sa nakita ko kagabi.. Parang hindi si Mike 'yun. Hindi ganon ang Boo ko na basta-basta nanununtok! Buti nga at hindi niya napansin na umiiyak ako that time kundi dadami ang tanong niya. Siguradong selos na selos siya kaya ganon. Hay..

Naalala ko bigla 'yung usapan namin sa phone..

"It's our last day and besides, dapat nga pati ngayon eh. Just promise me you'll stay true to your promise this time."

"Oo naman Boo.. Bukas talaga."

Promises.. Eto na naman ang promise na hindi natupad. Huhu! Nakakaiyak talaga! I wanna stay true to it pero siya naman ang ayaw makipagkita ngayon eh! Sinong may kasalanan? Wah oo na.. Ako na!

"Mmm.. Kay then. Hope you have fun with Dylan. Call me later when you have time."

"Of course, Boo. Pati ba naman tawag hindi ko magagawa? I'll call you. Tawagan mo nalang din si Kirby para magboy bonding kayo. I'm sure mamimiss mo rin 'yun eh."

Shemay! Oo nga pala! Isa pa 'yun! Hindi ko rin siya natawagan dahil sa mga nangyari ng hapon na 'yun. Tapos.. Tapos.. Sabi ko kapag gabi na, kasama ko sina ate Patty pero sinong naabutan niyang kasama ko? Si Bagyo lang naman! At nasaan ako?

Putspa talaga Kim! Isa kang kurimaw na sinungaling!

"Miss.." May nagsalita sa tabi ko kaya napatunghay ako. May pretty girl na nakatingin saakin. "Hindi mo po ba ako narinig?"

"Ay sorry.. May iniisip kasi ako. Ano nga ulit 'yun?" She's brunette at wavy ang buhok. Mukha siyang doll kung tutuusin.

"Ahh.. Gusto ko lang sanang magtanong kung anong oras na? Wala kasi akong dalang phone saka relo." She sheepishly said.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon