CHAPTER 44

2.7K 74 6
                                    

#44: Good Luck Talaga

- - - ¤ - - -

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga para ihatid si bes sa airport. Nakakalungkot man ay hindi ako sumimangot o ngumuso man lang ng nagpaalam ako. Ayokong mag-alala pa siya at gusto kong masayang mukha ko ang ipabaon sa kanya. Ayaw rin ni bes ng drama sa airport dahil nakakauyam daw kaya sumunod nalang kami sa gusto niya.. Well, except kay pareng Kirby na daig pa ang mag-asawang maghihiwalay ng ilang taon kung magdrama. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao doon. At 'yan tuloy..

Nakatikim na naman siya ng mighty batok ni bes. Iyon na ang pabaon siya sa best friend ko --- a warm smile. Hay.. Sana makauwi na siya bukas. Miss ko na siya eh.

Umuwi na agad kami after that. Hindi na nakasama si Shay dahil may hangover pa siya from last night kaya naiwan siya sa bahay. Si Mike naman, hinatid lang ako sa bahay kasi may lakad raw sila ni Kirby. About raw sa mga kapatid nila kaya hindi na ako nagtanong pa. Pangalan palang ng dalawang 'yun, alam ko na na may ginawa na namang kalokohan ang dalawa. Si Alfie naman, tinawagan ako kanina at tinanong kung nandito saamin si Shay and I said yes. Bigla niyang binaba ang tawag kaya nagkibit balikat nalang ako. Maybe he's just checking kung nakauwi ba si Shay sa kanila kagabi.

Speaking of kagabi, so far so good.. Wala pa namang kumalat na picture nina Shay at Bench. Tumawag rin kagabi si Meg pero ewan ko lang sa pinag-usapan nila ni Shay. Pero alam kong dahil 'yun sa pictures nilang apat sa loob ng club. Iyon ang hindi nakatakas sa social media. Hay. Ano bang bago? Eh mga sikat kaya sila. Pero wala namang kaso 'yun kay Shay. Like what she always say..

Wala siyang pake.

Sinalubong ako ni Ate Andeng pagpasok ko sa bahay. May hawak pa siyang feather duster ng nginitian niya ako.

"Kimmy!"

"Ate Andeng.. Si Marky po?"

"Nasa taas pa. Tulog pa ata." Tumango ako. 10AM na ah. Hindi ba siya aalis ngayon? "Nakaalis na ba si Anne?" Tanong ni ate. Tumango ulit ako at dumiretso sa aming living room.

"Nasa ere na ate. Hay, another friend to miss. Nakakaiyak talaga kapag iniiwan." Madrama kong sabi sabay upo sa sofa namin. Sumunod naman siya at tumayo sa gilid ko.

"Hay tama ka dyan Kimmy. Alam mo ba, naghintay ako ng matagal? Tapos ng dumating siya, hindi man lang ako sinulyapan.. Hinabol ko siya. Ang lapit ko na eh. I was so very close.. My fingers were almost there.. And yet.. I was left alone in the dark. Puno ng paghihinagpis.. Naiwanan na ako.. Ang sakit." Sabay hikbi niya pero wala namang luha sa mga mata. I tilted my head and my brows furrowed. Um-english pa eh kahut kakaiba ang accent niya. May halong bisaya.

"Teka ate.. Sino bang nang-iwan sa'yo?" 'Yung boylet niya bang si Bruno? Lumabi siya.

"'Yung jeep sa may palengke saamin ng nakaraang araw. Hindi ako nakita ng driver eh! Kasi nahulog 'yung patola ko kaya hindi ko na naabutan 'yung jeep pauwi. Kainis nga talaga! Sayang ng paghihintay ko ng kalahating oras. Umasa lang ako sa wala Kimmy!" Bagsak na bagsak ang mukha niya.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon