CHAPTER 27

3.6K 96 2
                                    

#27: Kidnappers

- - - ¤ - - -

Maingay na tugtog ang nakapagising saakin. Himbing na himbing pa ako at ang ganda ng panaginip only to be ruined by Ariana Grande. Ay teka.. Ariana Grande?

Napabalikwas ako at narealize na ringtone ko pala iyon. 'Focus' 'yung tumutugtog kaya ibig sabihin ay may tumatawag. I groaned. Anong oras palang ba? Naman kasi eh! Ang sarap pa ng tulog ko. Bakasyon na kasi at malapit na ang aming OJT kaya sinusulit ko na ang remaining days ko.. Matulog at kumain to my heart's content. In short.. Patabaing baboy.

"Annyeong?!" May bahid na inis sa boses ko ng sagutin ko iyon. Napa-Korean tuloy ako ng wala sa oras. Medyo nakapikit pa ang mga mata ko at saka ako humikab. Sino ba 'to?

["Kim! Mag-iingat ka! Beware of kid---Uhhmp!"]

"Shut up!"

"Ibaon niyo sa unan!"

"Kill her---Arrgg! "

Magulo pa kasi ang utak ko kaya hindi ko pa maintindihan ang mga bubuyog sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko saka tiningnan ang caller ID. Baka kasi nangtritrip lang. Pero nakita ko ang pangalan ni Aubrey. What the heck?

"Aubrey?" May ilang ingay pa bago siya makapagsalita.

["Kim! Marami sila! Mag-iingat--Ahhh!"]

End call..

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin hisa phone. What the heck was that? Umilit sa utak ko ang sinabi ni Audrey at ng mga narinig ko sa kabilang linya.

Mag-iingat? Marami sila?

Mabilis ko siyang tinawagan pabalik. Pero busy na ang linya. Anong nangyari sa kanya?! Sino 'yung mga 'yun?! Kinidnap ba si Aubrey?!

Naku! Kailangan ko ng tumawag ng mga pulis! Tatawag na nga sana ako ng biglang nagring ang cellphone ko. May nagtext! At si Aubrey! Buhay pa siya! Kasi naalala ko 'yung sinabi ng kidnapper na 'Kill her'! OMG!

From: Cars na may Key :)
Hey Kim! Sorry trip ko lang 'yun kanina para may thrill ang pambubulabog ko sa sleeping mode mo. Trip ko lang ding bulabugin ko ang sleeping mode mo dahil masosobrahan ka na ng beauty. Good morning! ;)

Kumunot ang noo ko pagkabasa ko.

Anong kalokohan to?! Trip niya lang? Ano ako,  sleeping beauty? At kailan pa natutong magwink emoticon si Aubrey?

Aish! Kainis naman si B! Istorbo na nga, pinag-alala pa ako sa wala. Hmp!

Balak ko sanang bumalik sa pagtulog pero hindi naman na ako makakatulog ulit nito dahil ayaw na ng utak ko. Hay. Full moon ata mamaya at may sapi si Aubrey. Napaaga lang. Advance effect.

Now what to do for the day?

Napatingin ako sa aking lumang gitara. Kinuha ko ito ay napangiti ako. Unang gitara ko ito at bigay ito saakin ng aking pinakamamahal. Almost nine years old na rin ito eh. Pero katulad ng pagmamahal ko kay Mike.. hindi pa rin kumukupas. Tumutugtog pa rin at nakakagawa ng magandang kanta.

Kagaya ng love.

Ang pag-ibig.. hindi kumukupas. Dumaan man ang mahabang panahon, maghiwalay man ang landas, subukin man ng tadhana.. It never waver. It stays and it never gets older.

Kaya kung mahal ka ng isang tao.. Hindi sa'yo mapapagod, maghihintay at habang buhay na aakay sa'yo. Love knows no boundary.

Hay! Nasapian na naman ako ni DJ Love. Change topic nga!

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon