CHAPTER 10

4.8K 125 4
                                    

#10: This Is It

- - - ¤ - - -

Today is the day of the recording! Saktong Sabado ngayon kaya wala naman akong pasok buong araw. Sabi ko pala kina bes na paparinig ko sa kanila ang mga kanta ko next week. Gusto ko kasi hindi 'yung raw ang mapakinggan nila kaya magrerecord muna ako. Kaya si Mike nalang ang sinama ko. And right now, hinihintay ko na lang siya para sunduin ako. Alas-otso na rin kasi ng umaga.

I looked at myself on the mirror. Napangiti ako sa ganda ng porma at aura ko. I feel so pretty and fresh! Readyng ready na rin ang boses kong sumabak sa recording. Nakasuot ako ng simpleng white tshirt and shorts na maong. Nakasuot din ako ng slip-on shoes na kulay puti din at saka hinalf pony ang buhok ko. Just a casual look for the day. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng kung ano sa mukha at simpleng powder at lipbalm lang ay ayos na ako.

Naisip ko si granny bigla. Follow your heart. That's what she always tells me before. And it worked. Naging kami nga ni Mike. For love. Tapos ngayon, para naman dito.. For music. Kaya naman granny, fighting lang!

May kumatok sa pinto ko kaya naputol ako sa pag-iisip.

"Kim! Nandito na si Mike! Bumaba ka na!"

"Okay ate Andeng! Bababa na po!"

Dali-dali kong kinuha 'yung sling bag ko at bumaba na. Sa dulo ng hagdan, nakita ko si Mike na kausap ni mommy by the couch. Mukhang hindi business ang pupuntahan ngayon si mommy ah. She's wearing a flowy gown. Palagi kasi siyang wala lately para samahan si daddy o kaya ay lumilipad siya minsan to check our restaurant branches sa Palawan at Cebu. Kasi naman lahat ng hotels namin ay mayroon na rin ng restaurants nina mommy.

Oo, may restaurants na ang pamilya namin na ako rin naman ang magmamana pero iba pa rin kapag galing sa sarili mong pagod at sikap. I shall have my own resto!

Nakangiti akong sinalubong ni Mike. Ang gwapo talaga ng lalaking to! Nakasimpleng V-neck shirt lang siya at faded jeans pero.. Yiee! Ang sarap lang ikiss at ihug! Ang bango pa niya! Kaso si mommy eh, nasa tabi lang kaya pademure muna si ako. Mamaya nalang. Hihi!

"Oh andyan na pala si Kim. Sweetie, take care okay? I gotta go to your tita Celine's wedding. Hijo.." Sabay tingin niya kay Mike.

Oo nga pala, wedding ng amiga niya. Socialite kasi eh. Sayang nga busy si daddy kaya walang escort si mommy. 

"Ah sige po tita. Ako na pong bahala kay Kim." Mom smiled at him and nodded.

"Bye mom." Nakipagbeso ako kay mommy at nauna na siya papunta sa labas.

Bumaling ako kay Mike ng nakangiti.

"So, tara?" Tumango ako saka kami naglakad na papuntang kotse niya.

Mamaya nalang nga 'yung kiss! Nagmamadali na kasi kami eh. Aalis raw kasi si Yani at twelve. Eh gusto ko pa naman siyang magcomment sa mga kanta ko. Singer rin kasi siya kaya may alam like Mike. Syempre para talaga mapaganda 'yung tugtog.

Makaraan ang halos isang oras na byahe, nakarating na kami sa recording studio.

Afrodime Recording Studio. 

"Kina Yani ba talaga 'to?" Tanong ni Mike habang papasok kami doon.

"Yup! Ang laki pala noh? Nalaman ko 'to kina Audrey. Dito kasi sila nagprapractice ng banda nila minsan. Apparently, kilala ko pala ang Yani na sinasabi nila. At matatanungan ko pa siya sa recording company na pwede kong bigyan ng records ko. And so here we are!"

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon