#43: There Was Never An Us
A/N: Dedicated to you as requested and because you're an avid reader :)
- - - ¤ - - -
Mabilis na lumipas ang dalawang araw at ngayon nga ay dumating ang araw na 'to. I just wish this day would be over because it won't cause anything but pain.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin at natangay ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. I just let the wind blow my hair. Hindi ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa lapidang nasa harap ko habang nakalagay ang kamay ni Mike sa kaliwang balikat ko like he's comforting me.
In Loving Memory of
TIMOFREY REX T. WATSON
March 25, 199* - April 14, 201*"The greatest gift in life is love."
Napangiti ako ng makita ko ulit ang epitaph na nakaukit doon. Si bes Bea ang nakaisip 'nun dahil sabi niya.. She saw him smile so genuinely for the first time ng sabihin nitong in-love siya sa isang tao. That he is indeed believing in love na 'di tulad niya na hindi noon.
Nakatayo kami sa loob ng mausoleum ng mga Watson. Buried here are the Watson's grandma and grandma as well as Bea's uncle na namatay sa sakit sa puso. Hindi pinalibing si Rex dahil daw suicide ang rason ng pagkamatay niya. Bawal raw ilibing sa ganoong paraan ang bangkay niya dahil sa mortal na kasalanan nito kaya ipinacrimate nalang siya. Masakit man sa loob namin noon ay wala na rin kaming nagawa. Kaya ang palagi naming dinadalaw ay ang kanyang mga abo na dito rin nakahimlay.
"Hi Rex. It's been what? Four years. Mas gumwapo ka na siguro ngayon, noh?" Anne smiled. Pati si Kirby na nasa tabi niya ay napangiti rin. "Sorry your twin's not here. Alam mo naman 'yun, kahit itago niya man ay alam naming ayaw niya lang makita ang ash jar mo. She hates thinking you're gone. But don't worry.. We're keeping an eye on her. It will take her long time to heal, yes.. But she'll come around. Tulungan mo siya ha? At isama mo na rin 'tong isang 'to na nasa tabi ko." Nilingon ako ni bes at nagmake face.
I just stayed quiet, trying hard not to remember the past. Iyong unang Death Anniversary ni Rex.. 'Yung paghagulhol ko at ni Bea. 'Yung pagiging tulala ni bes Bea na halos hindi na makausap. It was really a tough time for us. Sobrang apektado kami at hindi ko nga alam kung paano kami nakaraos.
Ayoko ng bumalik sa masalimuot na nakaraan na 'yun. We were just 15 back then tapos ganon na kaagad ang sakit na dinanas namin. Ayoko na ng ganon. Ayoko ng makitang umiiyak si bes. Gusto kong ibalik ang dating masayang buhay namin.
Dahil kahit mukhang ayos man kami ngayon.. May nagbago. May kulang. At si Rex 'yun.
"Kim, ikaw naman." Tumingin ako kay bes na tinanguan ako para gawin ang sinabi niya. "Kausapin mo na si Rex."
Kausapin si Rex? Okay..
"Hi T-Rex. I know you're somewhere. Magpakita ka naman na oh!"
"Bes!" Saway ni Anne.
"Kim naman oh. 'Wag ka namang mangtakot! Psychic ka na rin ba tulad ni Annie ko?!" Tiningnan ko si Kirby at nakitang nakakapit ng mahigpit sa damit ni bes. Halos matawa ako pero hindi ako tumawa ni ngumiti man lang.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...