CHAPTER 51

2.4K 81 5
                                    

#51: My Sanctuary

A/N: WARNING: Cheesy contents ahead. You might need to avoid having mice near you. Haha!

- - - ¤ - - -

I have to make it up to Mike.

Iyon ang mantra ko buong araw the next day. Kapag nagtatampo ako, naalala ko kung paano ako lambingin ni Mike. How he makes sure to make me feel his love for me kahit tinataboy ko pa siya. Na kahit PMS mode ako, hindi siya nagsasawang sakyan ang kamalditahan ko at pagiging iritable. He always make sure to do what I want him to do and to stop the things that irritates me.

Kagaya ng pagiging kalbo ni Kuya Boy Abunda. Wala naman siyang nagawa sa totong Kuya Boy. Hello lang? Pero ang ginawa niya? He printed a poster of him na photoshopped na at may buhok na. At dahil doon, ang one day PMS ko ay naging half day nalang.

Kaya mahal na mahal ko si Mike. He makes me feel special everyday in every way.

Now, ako naman ang babawi. Ako naman ang gagawa ng effort. Kung gusto niyang sayawan ko siya kahit para akong robot, then so be it. Kung gusto niya, bigyan ko pa siya ng stuffed toy.. Wait.. Stuffed toy. Naalala ko 'yung stuffed toy na binili ni Mike noon sa mall. I know it's not right for me para pag-isipan siya ng iba pero kasi..

Lecheng brains ko 'to! Hindi mapakali. And so sumunod na rin ang lecheng mga daliri ko at nagtap na sa phone ko.

Calling Boo's house..

Napakagat-labi labi ako habang naghihintay. Parang gusto kong ibaba ang tawag pero nanaig ang kabilang parte ng utak ko eh. Nagbilang ako ng pitong segundo bago may sumagot.

["Magandang umaga. Tyson residence, sino po sila?"]

Hindi si manang, thank goodness! Si Ate Lorna 'to.

"Hi Ate Lorna! Si Kim po 'to."

["Ay Kim! Napatawag ka? Hindi ka na napapadpad dito ah. Miss ko na ang mga binabake mo. Sina ma'am kasi busy na rin sa yoga at business nila. Kaya pumapayat na tuloy ako. Wala na 'yung bilbil ko. Miss ko na kaya dumalaw ka naman dito oh. Pero siyempre ikaw ang mas miss namin dito."]

Natawa ako. 25 years old palang si ate at bago lang siya last year. Pero sa ganoong kaliit na panahon ay naging close na kami. She's the milder version of Ate Andeng. Pero sadyang maboka, or in other word.. makwento.

"Pasensya na ate ha? Bibisita nga sana ako dyan two weeks ago kaso may nangyari eh. Pero don't worry, I'll drop by kapag may time ako. OJT rin kasi namin plus kuya's wedding preparation."

["Ay oo nga pala ikakasal na 'yung kuya mo. Kailan daw ba ang kasal?"]

"On May 29 po ate. Ay ate, may tanong lang po kasi ako."

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon