#47: Like Nothing's Wrong
- - - ¤ - - -
Tumingin ako sa salamin at itinapat sa katawan ko ang isang fitted dress na kulay red na regalo ni Shay ng debut ko. I shook my head — No, too daring. So I tried the white dress na abot tuhod at mahaba ang sleeves — Nope. Hindi naman ako magsisimba. Tumingin ulit ako sa kama ko kung saan nakalapag ang ilan ko pang damit. I sighed.
What to wear ba?
I eyed the dress bes Bea sent me just last week. Isa itong denim type at may maikling sleeves. Two inches above knee ito at sakto ang size sa katawan ko. Napangiti ako.
Perfect!
Mabilis ko itong kinuha at nagtungo na ako sa closet ko para magbihis. Nandoon rin kasi ang white canvas sneakers kong imamatch ko dito. Finally may maisusuot na rin ako!
Hay! Kanina pa kasi ako hindi mapakali kaiisip sa isusuot ko sa pagkikita namin ni Mike. Ni hindi ko nga alam kung magdadate kami o mag-uusap lang ba. Anyway, I still dressed up at isinuot ko pa ang trebleclef necklace na bigay ni Mike.
Thank gahd at naibalik na ito ni ZG. Lagot na ako kapag hindi ko 'to maisuot dahil wala na akong maidadahilan kay Mike at ayoko na ring mag-isip pa.
Lumabas ako ng kwarto ko pero hindi muna ako bumaba. I sneaked in papunta sa kwarto ni Marky at sinilip siya doon since hindi naman siya naglolock ng pinto pero wala siya sa loob. Isa lang ang lugar na maaari niyang puntahan at this time of the night. Kasi naman, mamaya pa ata siya aalis.
Pumunta akong gym room namin sa dulo ng hallway. Doon kasi si kuya Kyle ko nag-eexercise kapag umuuwi siya. Body-conscious rin kasi 'yun lalo na ng makita ulit si Ate Patty. Haha! Kaya ayun at lalong naging mayabang!
"Marky?" Sumilip ako sa room at nakita siyang sumusuntok sa punching bag. Kita ko ang tumatagaktak niyang pawis sa kanyang bare chest and face. Talagang naging buffed na si insan ah. His muscles are just huge not to be noticed. Iyon ba ang pinaggagagawa niya sa States for the past two years—ang magpalaki ng katawan? Maybe to distract himself too, aside from working and studying so much?
Pero kung tutuusin nga ay mas malaki pa ang muscles ni Bench. Just saying. Adik kasi 'yun sa paggygym.
Wala siyang suot na boxing gloves at tanging bandages lang ang nakawrap sa mga kamao niya. Para bang mabubutas na 'yung punching bag sa bawat suntok niya.
Woah! Ang lakas niya pala! He was punching the bag like there's no tomorrow. Para bang galit na galit siya at binubuhos niya ang lahat ng galit niya sa punching bag na 'yun.
Poor punching bag.
Tinawag ko ulit ang pangalan niya at lumapit pa kasi mukhang wala lang siyang narinig eh. He's too much focused on being Manny Pacquiao! Deep inside nagdidiwang ako. Wala na talaga kasi si Hello. Binaon na niya sa hukay. Whahaha! RIP Hello! Magdiwang!
"Oh.. Kim." Lumapit siya ng makita ako habang tinatanggal ang bandages niya sa kamay. I think tapos na rin siya.
Ngumiti ako.
"Hi insan! Grabe ka.. Hindi ka na naawa sa punching bag! Konti nalang mabubutas na oh!" Ngumiti siya ng tipid at nagkibit balikat.
"Kaya ko ngang butasin eh. Pero baka sipain ako ni Kuya Kyle palabas ng bahay so I controlled myself not to."
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...