Epilogue

5.2K 84 5
                                    

EPILOGUE

Euphoria: A Kiss in the Rain
"Coz every fairytale have a happy ever after.."

- - - ¤ - - -

A/N: Eto na ang huling kembot! Enjoy! :)


Puti. Hala! Bakit puro puti ang nandito? Nasa ospital na naman ba ako o..

"Oo! Nandito ka nga sa langit! Panay kang ospital eh ayaw mo naman 'dun! Hmp! Long time no see Kimmy!" Napaikot ako at may nakitang kabayo. Oh my! Si.. Si..

"Vice Ganda? I mean Ruster"

"Korak! Ako nga! At nandito ka ulit sa paradise!" Nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong naalala ang huling nangyari saakin. I gasp and clasp my mouth with my hand.

"Hala! Patay na ba ako?" Kasi ang huli kong naaalala ay nabangga ako sa isang puno dahil feelingera nga naman akong magaling na akong magdrive.

"Oo nga.."

"Eh? Patay na talaga ako?"

"Hindi, gaga! Oo at feelingera ka! Dapat maging palaka ka sa afterlife eh. Feelingerang palaka." Eh? Nabasa na niya ang iniisip ko? Aish oo nga pala..

"So you mean.."

"Yes, you're not dead my Kimmy. Nananaginip ka lang." Napalingon agad ako sa nagsalita dahil miss na miss ko na ang boses na 'yun. My eyes widen and I run towards her.

"Granny!" Niyakap ko siya ng mahigpit saka ako napahikbi. Ewan at nadala siguro ako ng emosyon ko. "I missed you granny! Granny.." She caressed my head and it somehow made me feel at ease.

"Shh.. Stop crying. 'Di ba ayaw mong makita kitang umiiyak. Remember the last time we talked on Earth?" Tiningnan ko siya pero hindi pa ako kumalas sa yakap. I pouted.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon