CHAPTER 40

2.6K 77 0
                                    

#40: This is Getting Crazy

- - - ¤ - - -

Kalat na kalat na. It spread like a wildfire. Hindi na madaling maapula. Alam na ng buong mundo.

No thanks to social media.

"Congratulations ulit guys! Sabi na nga ba't mananalo kayo." Nakangiti kong sabi sa kanila during the celebration party na ginaganap na ngayon.

After the battle, dumiretso kami agad dito sa nightclub. Gulat man sa nangyari kanina, hindi iyon naging dahilan para hindi magparty at magcelebrate raw ang grupo. Besides, para rin naman sa kanila ang celebration.

Yes.. The Cliché won! And they will have to perform with Prizm sa upcoming concert nila plus the cash prize of 250,000 pesos. Sad though na kailangan pa nilang humarap muna sa gulo bago tanghaling panalo.

At kawawa talaga si ZG. Ako na ang sobrang naguiguilty sa kanya.

"Thanks Kim! We owe you big! Thanks for the huge support for the group. Grabe! It feels so surreal talaga." Sabi ni Nimfa. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa dilim dito pero I can clearly see her pearly teeth against the strobe lights.

"Wala 'yun. That's what I do as a fan.. your number one fan. At ang galing niyo kaya! You deserve the win." Sabi ko.

"OMG! Kim, kakanta na talaga kami sa concert ng Prizm. Tapos magtotour pa kami with them sa ibang bansa." Sabi ni Aubrey na hindi talaga makapaniwala. Binigyan niya rin ako ng makahulugang tingin at doon palang ay alam ko na na masaya siya na makakasama siya kay Key abroad. I'm so happy for her.

"Kim! Ano? Tara na!"

I snapped out of thoughts and looked at Ouiea. Nakatayo na siya pati sina Nimfa at Audrey. Suot pa nila ang damit nila sa battle at kita ang saya sa kanilang mga mukha.

"Eh?"

"You're spacing out. Tara na sa dancefloor!" Nagpatugtog ng nakakaindayog na tugtog ang DJ at pilit akong pinapasayaw ni Ouiea at Audrey. Pero I don't have the heart to dance. Wala ako sa mood eh. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Kumusta na kaya siya?

"Sige lang kayo. Ayokong sumayaw eh. Okay lang ako dito." Pasigaw na sabi ko habang hawak ang baso ng iced tea.

No hard drinks for me tonight. No way Kim. Malalagot ako kay Mike eh. And I texted him na rin ng papunta kami dito. I was dragged anyway kaya wala akong kawala. Pati kay kuya ay nagpaalam na rin ako. Actually sina Audrey ang kumausap sa kanya. Good thing pumayag si oppa. 9PM na rin kasi eh. Pero aalis na rin ako maya-maya. May OJT pa kasi ako bukas.

"Pero Kim.. This is our night! At kung iniisip mo ang Labyrinth, they'll be fine. I know they're our friends pero 'di ba sabi nila 'wag raw tayong mag-alala? You know guys.. It's a grate on their ego kung papakita nating bothered tayo sa nangyari. They'll think we pity them. So let's just do as they say, okay?" I sighed at what Audrey said.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon