CHAPTER 14

3.5K 106 5
                                    

#14: Mr. Cheater

- - - ¤ - - -

"Anong meron?" Tanong ni bes pagkaapak namin sa park ng EU. May mga booths kasi at ilang stalls like Dunkin Donut, Jollibee, Greenwich (na aming highschool fave hang-out place) at the likes.

"CBA Week na 'di ba? Nasabi ko na sa'yo ng nakaraang araw. So eto at naglipana ang mga 'to. We should try the booths now bes! Ang daming booths oh!" Sabay tingin ko sa mga 'yun. Marami rin kasing organizations under CBA since it's an umbrella organization. Hiwalay ang mga departments like ng akin which is HRM at kina Shay na Business Ad. Parang highschool feels lang.

"Ano namang pupuntahan natin? Baril-barilan? Hindi na tayo highschool, bes. I don't even know why they still put up that kind of booth. It's pathetic. Child's game." Seryosong sabi ni Anne.

"Eto naman. Tumuntong lang ng college, nawala na agad ang sense of fun mo. Ganyan ba talaga sa Engineering? Good thing na hindi ako nag-Engineering talaga. Magkakawrinkles lang ako." Umirap lang si Anne kaya natawa ako ng mahina. Lalo na talaga siyang naging seryoso. Precious na ang mga ngiti niya kaya nga lalong nachachallenge si Kirby sa kanya.

Poor Kirby.

"Subukan nalang natin 'yung iba. Tara." Hinigit ko na siya saka tumingin-tingin sa ibang booths. Ano bang maganda ditong i-try?

Hindi naman kasi ganong karami iyon dahil sa CBA lang. Mas marami kapag Orgs Fest which was already done na. May mga faniliar booths rin pala dito like Wedding booth, Photobooth at iilan pa. Ewan ko lang dito kay Anne at parang walang gana. Nag-away kaya sila ni Kirby? Kasi napansin kong hindi sila magkasama. Hindi kaya?

"Bes, si Kirby?" Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at tama nga ako. Parang may dumaan na inis sa mga mata niya pero agad niyang isinantabi at naging passive ulit ng mukha.

"Malay ko 'dun." Simple niyang sabi. Pero alam ko ng may mali nga. Nagkibit-balikat nalang ako dahil ayoko kong makiaalam sa love life nila. Hindi kasi si bes open sa kanila ni Kirby. Kaya hihintayin ko nalang siyang mag-open up.

"Bes, if you want someone to talk to.. Andito lang ako ha? Don't hesitate to talk to me." Sabay ngiti ko sa kanya. She sighed and nodded. Yes, bes. Kilala na nga kita kaya wala kang maitatago. I can read you like you can read me.

I guess that's how friends do.

"Whoooh!"

"Emeged! Yiiiii!"

"Pila tayo dali!"

"Oh my gahd! Si Bench Ortega kasali!!!"

Napalingon kami ni bes sa bandang kaliwa dahil sa ingay ng mga tao doon. May isang booth pala na nakahiwalay at pinagkakaguluhan.

"Anong meron?" Tanong ko, more like sa sarili ko. But Anne answered.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon