#29: I'm His Girlfriend
- - - ¤ - - -
["Let's go out? I'm not busy today Baby Boo. At saka miss na miss na kita."]
Napangiti ako dahil sa kilig. I ruffled my wet and messy hair with my towel as I look on my mirror. Kaliligo ko lang kasi at feeling fresh na fresh. Ang init na talaga ng panahon. Tomorrow's already April 1st and our first day of OJT kaya naman nagreready na ako para sumabak sa employment world. Nakakaexcite talaga na nakakakaba.
"Hmm.." Naisip ko kasing ngayon sana ako pupunta kina bes Bea para sana kunin na 'yung sulat ni Rex sa kwarto niya. Tita Yvette's not at home at tanging mga katiwala lang ang nandoon sa mansyon nila. Pero matitiis ko ba si Boo? I miss him so much too. It's been two days already!
"Okay Boo! Date tayo ngayon. I miss you too!" Inilapag ko sa mesa ang towel ko saka nagsuklay ng buhok. Ang haba na pala talaga ng buhok ko. Ano kaya kung magpagupit na ako? Summer pa naman na.. Mainit. Para new look on OJT day?
Hmm.. Pag-iisipan ko.
["Medyo late ang reply ah. Got some any other plans sana?"]
"Hmm oo sana eh. May kukunin kasi ako sana kina bes Bea. Pero.. It can wait naman. Ikaw kasi ang mas importante Boo." Ngiting ngiti kong sabi. "Kilig ka naman Boo?" I chuckled.
["I don't need flattery words from you para kiligin. Just simply hearing your voice makes my whole system go crazy Baby Boo."]
Impit akong napatili habang hawak ang suklay kong kulay pink. If there's one thing that Mike's good aside from showing me how he loves me is how he translate it into words. That's how sweet he is! Ano bang binatbat ko sa mga banat niya? Wala!
"Oo na Boo! Ako ang kinikilig sa'yo eh. See you later. Sunduin mo ako dito ha? Hindi pa kasi ako magaling magdrive. Konting push pa."
["Kahit naman marunong ka ng magdrive, I won't mind picking you up everytime. Mas gusto ko nga 'yun eh. That way mapagsisilbihan ko ang prinsesa ko."]
"Prrrttt! Time out na! Sasabog na po ang puso ko sa kilig." Halos mapunit na ang bibig ko sa ngiti. I heard him chuckled.
["Anyway, pwede kitang ihatid kina Bea. You can still drop by there today. Tutal, may kukunin ka lang naman 'di ba?"]
Napaisip ako. Pwede sana pero..
"Huwag na Boo. Next time nalang. This is our day kaya dapat date lang natin ang isipin ko. Sine tayo ha? May magandang pelikula kasi ngayon na gusto kong mapanood."
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...