CHAPTER 1

14K 283 8
                                    

#1: Not So Anniversary

A/N: Enjoy the second book of the Pag-ibig series! :*

- - - ¤ - - -

2 years later..
March 07, 201*

"Bonjour bes! Happy 2nd Anniversary sainyo ni Mike!" Bati saakin ng best friend kong si Bea from the screen na nasa kabilang parte pa ng mundo. NakaSkype lang kami at alam kong gabi na doon sa kanila.

Ngumiti ako ng pilit at pilit na itinatago ang lungkot na nararamdaman ko.

"Are you trying to smile bes? Because it turned out to be a grimace. Try mong tingnan ang sarili mo sa salamin." Ngumiwi siya. Bumuntong hininga naman ako.

Hay, mukhang wala nga akong kawala sa best friend ko.

"Eh kasi...si Boo eh. Parang..ano...kasi---"

"Ano nga kasi?" Naiinip niyang tanong.

"Eh kasi si Boo. Mukhang nakalimutan niya ang 2nd Anniversary namin." Sabay nguso ko.

"Huh? Pano mo naman nasabi?" Nakakunot noo niyang tanong na parang di makapaniwala.

"Eh kasi...ten o'clock na eh. Tapos ni text di niya pa ako binabati. Samantalang last year, twelve palang ng umaga, tinawagan na niya ako. Di kaya.." Lumunok ako..not wanting to say the words..but I did anyway. "Nanlalamig na si Boo saakin?"

Wah! Sana naman hindi noh! Hindi pa nga kami nagtatagal. May nagawa ba akong mali? Sawa na ba siya sa pagmumukha ko---

"Hay nako bes. Nagdradrama ka na naman. Ten palang naman ng umaga di ba? Who knows he might surprise you any time soon! Hangga't di pa tapos ang araw, wag ka munang mag-emote dyan okay?" Sermon niya.

Mukhang tama naman siya. Oo nga, ang aga pa naman at mamaya, baka nga may surprise siya. Napangiti na tuloy ako. Ano kayang surprise ni Boo? Hihi! Yiiiii! Excited na ako!

"Oh yan, stay positive lang bes. Just trust him." Sabay hinga niya ng malalim.

"Ang lalim nun bes ha. May problema ka ba?" Nag-iba kasi ang itsura niya. Mukhang may bigla siyang naalala.

"Well, si dad kasi.." Sabay kunot ng noo niya.

Oh, si tito pala. Kasi naman, ever since na naghiwalay sina tita Yvette at tito Jaime, lumayo na ang loob ni Bea sa papa niya. She hated the fact that his father cheated at his mother at pinagpalit sila sa babae nito.

"Ano daw ba?"

"Eh kasi..he's starting to really piss the hell out of me. He keeps on meddling with my life! Who does he think he is? Simula ng maghiwalay sila ni mommy, I didn't consider him as my father anymore. The moment he left us and live with that slut, he didn't have a daughter anymore, so what's with the pakikialam? Kapal niya lang ha?" She said through her gritted teeth.

"Bes, alam mo naman na kahit hindi na hiwalay na sila ni tita, he's still your father. You share the same blood and he still cares for you---"

"Yeah right." Sarkastiko niyang sabi. "If he cares for me, he wouldn't leave me..us." Ngumiwi ako. She has a point. "Alam mo ba bes? Pumunta pa siya sa dito condo ko with his slut! Kapal ng mukha nila! Pero kahit na kumukulo ang dugo ko, I still had the decency to talk to them rather than slamming the door right at their freaking faces." Galit na galit ang pagmumukha ni bes. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya.

His dad contacts her constantly naman to check on her pero other than that, wala na. Kaya siguro gulat na gulat siya when he visited her. Pero nainis lang nang kasama pa yung mistress nito.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon