#60: Sana Sirena Nalang Ako
A/N: Hello readers! Don't forget to vote/comment! Thanks! 😘
- - - ¤ - - -
"So how's the taste? Is it too much sweet?"
"Ang pait oppa. Ang pait pait." Sabi ko ng wala sa sarili matapos lumunok. Or maybe I am in the right state of mind, but felt bitter all of the sudden kaya nasabi ko iyon.
Nagkatinginan sina oppa at Ate Patty at ibinalik ang tingin saakin.
I was immediately aware of what I said and stood up, feeling embarrassed.
"Uh, can I go to the washroom oppa?"
"Okay."
Mabilis akong umalis doon at nakahinga ng maluwag ng makalayo na ako. I feel stupid. Naiinis ako sa sarili ko.
Why am I so bitter?! Ampalaya much ang peg ko and I hate it! Kasi naipapakita ko pa sa iba ang kabitteran ko. Gahd, Kim!
Nasa cake tasting kami ngayon at isinama ako ni oppa, knowing I love sweets at may tiwala sila sa panlasa ko. Isa pa, gusto ni oppa na may contribution ako sa kasal nila at since isa sa expertise ko ang baking, here I am.
Pero anong sinabi ko? It tastes bitter? Aish! Nakakahiya!
Hindi naman ako naiihi pero I had to make an excuse kundi patuloy ko lang ipapahiya ang sarili ko. Goodness! Kasi naman hindi ko maiwasang mainggit kina oppa eh. Sinusubuan ni oppa si ate ng cake tapos pinupunasan pa ang bibig nito ng kumalat na icing.
Spell bitter. K-I-M.
Boo kasi.. Miss na miss na kita!
It's been three days since he left. Isang araw akong nagkasakit at isang araw rin na nakakulong lang sa bahay at ngayon palang ako nakakalabas. Actually gusto ko lang sanang magkulong sa kwarto ko at manood ng video namin ni Mike during our second anniv na hinanda ko. Pero since si oppa ang nagrequest.. I can't say no. I don't even think I can help with the cake right now. Lahat ng nalalasahan ko ay mapait! Grrr! What is wrong with my tongue at puro kabitteran ang nalalasahan ko?
Ampalaya ka nga kasi.
Aish. Kainis talaga!
I composed myself and hummed a song to get rid the stupid thoughts I had in mind. Dapat ay hindi ako nagpapaapekto lalo na sa harap ng pamilya ko. Making them worry isn't included in my plan. I need to face my worries alone.
Fortunately I was able to pull myself together after rehabilitating myself in the comfort room. Sa huli, we chose the white raspberry cream as the wedding cake filling. They both like it naman kaya masaya ako. At least napangiti ako ngayong araw. Unti-unti na rin akong kumakalma.
Maybe this is what I needed.. To be surrounded by people. Dahil kapag magmukmok lang ako sa kwarto, walang mangyayari. Ay meron pala.. Mababaliw ako!
Oo, plano kong kitain si Rex. But shame.. Hindi man lang siya nagrereply sa mga texts ko! Naiiyak nalang ako tuwing nirereject niya ang calls ko. Reject and not missed! He really doesn't wanna have a contact with me. He doesn't want me to reach him.
But why?! Wala naman akong pinagsabihan ah. Sumunod naman ako sa usapan kaya bakit siya ganito? Bakit ayaw niya akong makausap o makita? Hindi ko tinulak palayo si Mike para lang sa wala. Pero pati ang Prizm ay hindi ko rin macontact. Even ZG's not answering or replying. Naisip ko nga si Hennie pero tumatak na sa utak ko ang babala ni ZG na 'wag gamitin si Hennie kaya naman ay hindi ko na ito tinanong pa. Tama nga naman na hindi ko na idamay ang bata.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...