CHAPTER 9

5.6K 149 3
                                    

#9: Ang Daya

- - - ¤ - - -

"Singer-model, Kiel Ramos was found on the streets of BGC with a mystery girl last night. They were even spotted kissing in the parking lot of a famous restaurant but the couple took off before the media even saw the girl's face. Who could that mystery girl in red be?"

Alas-dies na ng umaga at nandito kami ni Shay sa sala, nanonood ng TV. Kanina lang, tumawag si Mike dahil absent ako. Nakalimutan ko pala kasing itext siya. OA pa naman 'yun si Mike kapag wala ako. Naiintindihan naman niya at sinabi kong mamaya papasok na ako.

"Grabe ka Shay. You're all over the news! Sikat ka na talaga, girl. Pero nakakaloka ka! Muntik kanang mabuko dun ah."

Sino pa nga ba 'yung girl in red with a handsome celebrity na parang runaway lovers? Si Shay lang naman. Suot niya nga 'yung skimpy dress niya na 'yun kagabi pero ngayon, nakasimpleng shirt and shorts nalang siya na pinahiram ko.

"They didn't even see my face so what's to worry?" Sabay ngisi niya. Hay nako, pasaway talaga!

"Ewan ko sa'yo! Sumasakit ang brain cells ko sa'yo eh." Sinara ko na ang TV saka umupo ng maayos sa sofa saka pumikit.

"Wala ka bang klase? Di ka papasok?" Himala, nagtanong ang lola.

"I was supposed to! Pero nandito ka so ayun na nga.. um-absent na ako." Sabay nguso ko. Pero ayos lang naman ata since minor subject lang naman at wala namang quiz or whatnot.

"What? The ever so punctual student, Kim Claudine Perez, missed her class for the first time? Wow, the glaciers from the North Pole must be melting!" 

"OA mo! Hindi naman 'to ang unang absent ko noh. Akala mo naman sa'kin.. Hay! Alangan naman kasing iwan kita dito? Hindi naman akong pusong bato."

"Naks! You really love me that much, huh?" Pang-aasar niya. Sinimangutan ko lang siya and she laughed. Pinaglololoko ata ako ng babaeng 'to eh.

"Hay nako. Anong oras ka ba uuwi?"

"Are you kicking me out your house?" She raised a brow.

"Hindi! Nagtatanong lang. Wala ka bang pasok? Ikaw ha, baka ma-AF ka na! Kung kailan March na!"

"Wala ka bang tiwala sa'kin? AF?" She scoffed. "That's not in my vocabulary."

"Fine. Pero ako papasok na mamayang hapon ah. Saan ka ba kasi nagsususuot, Shay? Kayo ni Alfie. Hindi ko na kayo masyadong nakakasama sa school eh. Akala ko tuloy nag-aabsent ka." Nag-iba ang expression niya at mukhang nagseryoso.

"Wala." She stood up and got her bag. Kinuha niya ang iphone niya saka nagtap ng ilang beses. Binigay naman niya sa'kin 'yun pagkatapos. Nagtataka akong tiningnan siya.

"Anong gagawin ko dito?"

["Hello? Honey?"] Rinig ko ang boses ni tita sa kabilang linya. Hala!

Binigyan ako ng Shay ng makahulugang tingin bago tumango. Doon ko naman nakuha ang gusto niyang sabihin. Hay nako, pasaway talaga itong babaeng 'to. Ako pa ang pinasalo ng gulong dala niya.

"Hello? Tita, si Kim po ito."

["Kim? Oh, hija! Why are you answering my daughter's phone? Where is she? Is she okay?!"]

Jusko! Nagpapanic na si tita! Aish! I gave Shay a pleading look and she just laughed without making any sound. Hmp! Kapag inatake to sa puso si tita, papaluin ko talaga si Shay sa pwet hanggang sa pumula ito! Okay, what a shameful threat, Kim. Try better.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon