CHAPTER 35

2.8K 81 1
                                    

#35: Soulmates

- - - ¤ - - -

Sa ating buhay ay napakaraming katanungan.. 

Bilog ba ang mundo?

Ilan ba ang buhok ng tao?

Saging lang ba talaga ang may puso?

Bakit pandak si Dagul?

Nagmula ba talaga tayo sa unggoy?

Gaano kalaki ang universe?

Ano ang nauna? Itlog o manok?

Bakit ang gwapo ni Myungsoo ng Infinite?

Stuffs like that.. 

Mind boggling noh? 

Pero walang makakatalo sa tanong sa isip ko ngayon. Walang alinman sa mga 'yan ang mas makakapabaliw saakin ngayon. At anong ginagawa natin kapag hindi natin alam ang mga kasagutan sa tanong natin?

Syempre tinatanong si Mr. Google.. who knows everything.

Pero sa tanong ko? I don't think may maisasagot si Mr. Google. At iyon ang mahirap doon. 

So I'm off to look for answers myself. 

"May kailangan lang po akong hanapin. Pero wala naman po akong kukunin. Hindi po kasi ako nakapaalam kay bes kasi kani-kanina ko lang naisip." Mahaba akong pagpapaliwanag.

"Ay 'wag ka ng magpaliwanag pa hija. Alam ko namang papayagan ka ng kaibigan mo. Alam mo, naging mas masaya 'yung alaga ko na 'yun simula ng makilala niya kayo. Dati kasi sa kapatid lang niya siya sumasama pagbalik nila dito galing sa UK. Buti at naging magkaibigan kayo. Malaki ang pinagbago niya at malaki talaga ang pasasalamat ko sa inyo dahil doon." 

Aww.. Parang may humaplos na mainit na palad sa puso ko. She sounds so sincere at kita ko kung gaano kahalaga sina bes at Rex sa kanya. 

Hinawakan ko ang mga kamay ni Nay Irma saka ngumiti.

"Nay Irma, parang magkakapatid na rin po kami kaya ang happiness ng isa ay happiness ng lahat. At si bes Bea? Lahat po ay gagawin namin para sumaya siya kaya don't worry po Nay.. Kami po ang bahala sa kanya." Ngumiti ako sa kanya at saka nakita ang maluha-luha na niyang mga mata.

Sobrang malapit ang loob niya sa kambal.. lalo na't siya na ang tumatayong ina sa dalawa. Mas naging magulang pa nga si Nay Irma kina bes kaysa kina tito't tita eh. That's the bitter fact. Hay. Kaya talagang mahal na mahal siya ng kambal.

Noong graduation namin ay si Nay Irma ang umattend para kay bes. As usual kasi ay late si Tita Yvette. Effort na 'yun para sa kanya kahit mga upuan nalang ang inabutan niya. Naalala ko pa kung gaano nawalang gana si bes ng makita na paparating na si tita. Narinig ko pa nga siyang nagsabing, 'Dumating ka pa.'

"Patnubayan nawa kayo ng Maykapal. O sya saglit lang ineng at kukunin ko ang susi." Ngumiti siya at tumango ako. 

Ang bait talaga ni Nay Irma. Sa edad niyang mahigit 60 na ay malakas pa rin siya. Alam kong updated naman siya palagi kay Bea sa France dahil binigyan siya ni bes ng touchscreen phone. Aba, nakikipagsabayan na rin si Nay saamin noh. Marunong na nga rin siyang magselfie at may FB account na rin. Haha.

Makaraan lamang ng ilang segundo ay nakabalik na siya dala na ang susi sa kwarto ni Rex. Nagpasalamat ako kay Nay Irma at saka kinuha na ang susi sa kanya. Ilang segundo pa akong nagnilay-nilay sa tapat ng pinto bago ko ito tuluyang binuksan.

Katulad ng kwarto ni bes ay malaki rin itong kay Rex. Only that the walls are painted blue. Paborito niya kasi talaga ang blue eh. Malinis rin ang buong kwarto pero may nakatakip ng tela sa kama at couch pati ilang cabinet dito. Unang beses kong makapasok dito kaya hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Pero since natanong ko na si bes noong nagkausap kami, kailangan ko nalang hanapin 'yung secret mini vault ni Rex. Sinabi rin niya ang password doon na nalaman ni Bea dahil isa raw siyang henyo. If I know, nagninja moves lang naman 'yun. Walang maitatagong sikreto 'yung si Rex sa kakambal eh. Amoy na amoy ni Bea kung may tinatago ang kakambal. Naisip ko tuloy..

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon