CHAPTER 22

2.5K 87 2
                                    

#22: Mighty Talong

{ A/N: My favorite title so far. Haha! BABALA: Medyo PG ito as in Parental Guidance. Medyo lang naman. }

- - - ¤ - - -

Kanina ko pang gustong tumakbo palabas ng kwarto na 'to. I just wanna be away from this guy. Pero parang sinabi ko na ring guilty ako at isa akong duwag. Siguro nga ganito rin ang nararamdaman ni Shay ngayon. Fudge, oo nga. We're on the same boat. Pareho naming gustong takasan ang nasa harapan namin pero hindi kayang hayaan ng pride namin. Ugh.

Kanina, hindi talaga ako pumayag na maglaro lalo na't siya ang partner ko. Pero ang ungas ay tinakot ba naman ako. He blackmailed me! Such an---ugh! How can he be such a pain in the---Ugh. Hindi ako magmumura. Hindi ako magmumura.

Pero shít talaga siya!

May limang upuan na sa gitna na pinabilog ang ayos. Ang alam ko ay sasayaw habang umiikot sa mga upuan tapos paunahan sa pag-upo doon when the music stop. And since by partner ito.. Ibig bang sabihin.. Kakandong kami sa partners namin?!

Hell no!

Jusko. Kapag narinig ang ang isip ko ni mommy, siguradong papagalitan ako 'nun.

"Okay! Since kumpleto na ang six pairs, let the game begin! Like I said, 'Trip to Jerusalem' ang next game natin. Boring right? Kaya naman, bilang hindi boring na org., let's do it with a twist!"

Bigla akong kinabahan. Tiningnan ko ang reaksyon ni Mr. Cheater. Nakangisi lang siya na para bang sinasabing 'Bring it on' at ganun rin ang nasa mukha ni Bench. Si Shay ay umirap lang at walang pake. Katabi ko kasi siya. She looked bored pero ako ay kinakabahan na talaga! Anong twist ba kasi 'yan?!

"Ilabas ang talong!"

Nanlaki ang mga mata ko. Anong talong?!

Tuwang tuwa si Alfie na nasa tabi ni Clarissa. This was all in his plan! This can't happen. Anong gagawin namin sa talong?!

"Oh, relax lang kayo girls. Hindi naman kayo ang hahawak sa talong. Well, hindi pa." She said, emphasizing the word 'pa' and then laughed.  Fudge, anong hindi pa?! "So guys, take your seat. Girls, tumayo kayo infront of your partner." Ayoko man ay sumunod nalang ako. Bahala na nga.

At nakita ko na nga ang mga talong. Anim lahat iyon at sa tingin ko ay either sa mga babae iyon o sa mga lalaki.

"The usual lang naman ang mechanics. Ang tanging iba lang ay ang gagawin when the music stop. Imbes na umupo kayo sa partner niyo.. Guys, ibigay niyo na ang talong sa kanila." They gave the eggplants to the guys. And they're huge! "Now, iipit niyo by your crotch." Excited na sabi niya.

Tumili ang ilang girls and nagcheer naman ang ilang boys sa audience. Crotch?! Anong ibig sabihin 'nun? Bakit may talong sa crotch nila? Wah!

"What the fūck is this?" Rinig kong sabi ng nasa harap ko habang hawak ang talong. Nakita kong namumula ng kaunti ang pisngi niya habang nakatingin sa 'talong niya' kaya napangiti ako.

"Ilagay mo raw sa crotch mo. Are you being shy now, Mr. Leader? Or should I say, Mr. Cheater?" Sinamaan niya ako ng tingin at agad nag-iwas ng tingin.

"Tss." Nilagay na niya iyon sa dapat kalagyan kaya natawa nalang ako. He looks hilarious. Haha! Unang beses kong makitang mahiya ang all-mighty ZG ng Prizm. May hiya pa rin naman pala ang balat nito. Akala ko puro hangin nalang ang utak niya eh.

Sinamaan na naman niya ako ng tingin pero tumawa lang ako.

"So when the music stop, girls, hahawakan niyo ang parte ng katawan ng guys mula sa taas pababa. First, head.. Then, nose.. Then chest.. Then yummy ABS! And last but definitely not the least.. The mighty talong!"

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon