#65: It's a Tie
A/N: Hey pag-ibigs! This is a fun chapter. Can't help it! Hindi ko naiwasang magsulat ng humor kasi humor book nga ito kahit pa dapat ay serious na haha! Enjoy!
- - - ¤ - - -
Kakaiba rin talaga ang feeling kapag nasa probinsya ka. Ang raming puno at halaman, sariwang hangin, tahimik at payapang kapaligiran, walang polusyon at simple lang. Grabe, kung pwede lang akong tumira dito. Hay.. Ang sarap lang sa pakiramdam. Pero mas masaya talaga sana kung nandito ang mga taong mahal ko kasama ko. Hindi mo rin kasi maeenjoy ang isang lugar kung hindi mo kasama ang mga taong lubos na nagpapasaya sa'yo.
"Island number one, here we go!" Excited na hiyaw ni Ouiea ng umandar na ang motorized boat na sinakyan namin. Dalawa ang aming innoccupy dahil sa labing anim kaming lahat at hindi kasya sa isang bangka lang.
Mainit pa rin at nasa langit pa ang haring araw dahil alas tres palang ng hapon. Natagalan rin kasi ang shooting kanina ng Prizm at The Cliché kaya ngayon palang kami nakaalis. Ayos lang naman raw kasi balak nilang sa isla Serenea raw kami magpaabot ng gabi na umayon sa plano ko.
I am in my highwaist denim shorts and cropped top. May bikini top ako sa ilalim nito kaya mamaya pagswimming namin sa mga isla, tatanggalin ko nalang ang aking cropped top. Nakaflip flops lang rin ako kaya comfortable and ready to swim ang peg ko. Ganon rin ang mga girls but if I know, magtwotwo piece ang dalawa nito mamaya. And it's obvious who is who. And it's not Alfie!
Sumilip ako sa lens ng aking camera at agad na ni-click ang button nito ng makakita ako ng mga ibon sa himpapawid in a V formation na nasa itaas ng isang bangka. Kinukuhanan ko kasi ang ilang magagandang scenes na nadadaanan namin. Nakakakalma talaga ang mga berde sa paligid. Being with nature is refreshing. Kaya nga nature ang favorite kong subject. Kaso nga lang, hindi ako adventurous kaya hanggang studio lang ang hilig ko sa photography at kinukuhanan nalang ang aking second favorite subject—human. Kaya naman hindi ko maiwasan ngayon ang napakalapad kong ngiti. At least maganda rin itong distraction for me.
"Grabe, ang linaw talaga ng tubig dito! Pwede kayang inumin?" Pasigaw na tanong ni Ouiea dahil sa ingay ng makina.
"Try mo kaya Vowels para malaman mo. Malay mo kapag ininom mo luminis ang kalooban mo." Pang-asar na sagot ni Audrey sa kanya. Natawa naman kami. She grimaced and leaned forward the side of the boat to touch the clear water.
Idinikit ko ulit sa mata ko ang aking camera at saka kinunan ng litrato si Ouiea. Nakakatuwa kasi siyang tingnan habang nakahawak sa tubig. Parang unang beses niyang makahawak ng tubig.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...