CHAPTER 70 ⭐ KIM/SHAY

2.3K 88 12
                                    

#70: The Inevitable

A/N: Brace yourself pag-ibigs! Please vote :)

- - - ¤ - - -

It's half past six in the evening already at hindi pa rin ako umuuwi. Naglalakad-lakad lang ako sa BGC dahil sa pag-iisip. I was weighing the two situations they're in para naman fair enough. Pero kahit anong isip ko wala pa rin akong mapagdesisyonan. Hindi kailanman magiging fair iyon sa kanila. They both deserve to be happy. They both deserve a happy ending.

Ipatapon ko nalang kaya si Tito Jaime sa Pluto kasama 'nung kabit niya? Aish!

Biglang nagrambol ang tiyan ko. My dinosaurs are hungry na. At ngayon ay gusto kong kumain sa Jollibee. I wanna try it. Naalala ko kaso 'yung sinabi ni Alessia kanina..

"When you're living in a world of luxury, money and fame, you always miss the beauty of the simple things in life."

Tama nga naman siya. Pero hindi naman ako ganoon totally. Hindi kami ganoon ng mga bes ko. Nakakain na nga ako ng kwek kwek eh! Pero syempre dahil lang 'yun kay Bea na adventurous. Kaya ngayon ay susubok ako kahit papagalitan ako nito nina mommy kapag nalaman nila. Gusto ko ng chickenjoy at spaghetti nila. I heard they taste delish!

Naghanap ako ng Jollibee sa BGC pero puputi na ata ang mga mata ko sa kahahanap pero wala naman. Naisip kong pumasok sa mga mall. 'Dun ako sa pinakamalapit at namamanas na ang mga paa ko kalalakad kanina pa.

I walked passed Bonifacio High Street. May park dito at may mga kainan rin pero alam kong wala namang Jollibee dito kasi puro sosyalin doon eh. Ang ganda lang maglakad dito kasi may mga may dalang aso tapos ang cucute pa! Sayang nga at hindi ako nakapag-alaga ng aso. Kapag nagkaanak nalang ako. Haha! Malapit na sana ako sa may fountain ng nakita ko si Zoey sa labas ng Starbucks at nakaupo sa isang table. She was wearing a beige palazzo pants and white off-shoulder chiffon top. She's not alone, may kausap siyang lalaki pero nakatalikod 'yung guy saakin. Nakafedora ito at malaki ang built ng katawan. Simpleng tshirt lang ang suot niya at jeans pero mukhang high profile. Sino kaya 'yun?

Lumapit ako pero hindi ako nagpakita. I hid behind the huge potted plant. Alam kong masama ito pero hindi ko na naiwasang makinig sa usapan nila. Besides, si Zoey 'to. Who knows kung may masamang binabalak na naman 'to. Ewan at naprapraning na ata ako.

"--mind her. She's a grown up now. Violet will be coming back tomorrow so stop bombarding her with texts. Your sister will be fine." Tila naiinis na saad ni Zoey sa kausap.

"Can you blame me for being like this? She was almost jailed the last time. I don't want her to be coming near your ásshole of an ex." Sabi ng lalaki na kaharap niya. Hala! I know that voice!

"Stop talking about him like that! At uuwi na nga siya 'di ba? Gosh! Stop being so overdramatic." Nakita kong bumuntong hininga 'yung kausap niya."I gotta go. Hinahanap na 'ko ni daddy. I bet wala na naman si kuya." She said with a disgusted tone.

"Ihahatid na kita."

"No need.. Dala ko ang kotse ko. Sige na." Tumayo na siya at iniwang mag-isa ang kasama.

Napatulala ako ng sandali bago nilapitan ang lalaking iyon. He sipped his coffee and looked at me when I sat at Zoey's chair. Naguguluhan ang reaksyon ko ng magtama ang mga mata namin. I saw how his eyes widen a bit pero agad namang bumalik ito. His eyes became guarded.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon