CHAPTER 25

3.2K 78 2
                                    

#25: Rock n' Roll

{ A/N: Play the video at the MM while Kim is singing para feels :) }

- - - ¤ - - -

Naghihintay ako dito sa may sala habang nanonood ng TV. Hinihintay kong gumising si Marky eh. Kailangan naming mag-usap tungkol sa kagabi. May napagtanto kasi ako. And I think ay tama ako. I need to confirm it from him.

Umalis na si kuya, kanina pang 8AM. Pupunta raw siya sa opisina para ayusin ang dapat ayusin at may pupuntahan ring meeting. Tumango nalang ako at ayun at sabay sila nina mommy at daddy na umalis. So basically, masosolo ko si Marky ngayon.
Heart to heart talk part 3 na ata ito.

"Hello guys! VJ Andrei in the house! Again we're here in our segment.. Daily Top 10! We have listened to our top two and now.. Let us know what song topped the list this week. What could it be?" May tumili sa studio. "Well, let's not make you wait any longer. Still.. Being on the top of the list for two executive weeks already.. Here's 'She Was The One' by Prizm."

At nagsimula na ngang ipakita ang music video nito. Naalala ko pa noong unang beses kong nakita itong MV na 'to. Ni hindi ko pa alam na sila ito. Noon, hindi ko pa alam na si Bench pala itong machong drummer na 'to. Na si Clay pala 'yung magaling na lead guitarist at na magkakagusto pala si Key na bass guitarist sa kaibigan ko. At.. Si ZG pala ang vocalist na 'to. Ang lalaking ang galing kumanta pero hindi maitimpla ang ugali. Bumalik ang inis ko.

Pinakatitigan ko siya. Funny how he sings so good. How he can be this full of emotions when he sings na parang galing talaga sa puso niya. When in person, he's this cocky and suplado guy. Kasi iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Na may tinatago siyang lungkot sa likod ng mga pagsusungit at pagyayabang niya.

Like a mask..

"Prizm? You're a fan?"

Napawi ang tingin ko sa TV at napadpad kay Marky na pababa na ng hagdan. Sinara ko agad ang plasma.

"Yup! Mga kaibigan ko ang dalawa sa kanila actually. Ikaw? Fan ka rin? How did you know them?" Amazed kong tanong. He shrugged and sat beside me.

"Talaga? Our cousins are die hard fans. As well as my younger sister."

"Sinong pinsan? At pati si Macy? Nakaabot na pala sa US ang Prizm?!" Eight years old palang kasi si Macy pero marunong ng magkacrush!

"Obviously. Sina Xenon at Ashley. Ang iingay nga eh. Halos mamemorize ko na ang mga kanta ng grupong 'yun kauulit nila. Pati si Macy nahawaan na tuloy." Ngumiwi siya.

"Ahh.." Tumango ako. Sina Xenon at Ashley ay pinsan naming die hard fanatics nga. Parang ganon lang din sa triplets kong classmates at pinsan ni Mike na sina Devon at Divine. Pero hindi naman kambal 'yung dalawa unlike the two. Feeling lang nilang kambal sila.

"Siya nga pala Marky. Bakit ka hindi sumabay saamin pauwi kagabi? Anong ginawa mo?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon