#34: Smile- - - ¤ - - -
"Kim.. Salamat sa lahat ha? Take care of my sister." Ngumiti siya saakin.
"Bakit kung makapagsalita ka naman dyan, aalis ka o lalayo? OA mo." Inakbayan niya ako.
"Basta. Kapag wala ako sa tabi ng kambal ko, ikaw ng bahala sa kanya ha? Kayo ni Anne. Dahil sainyo lang siya sumasaya aside from me. Kayo lang ang kayang pasayahin siya."
"Alam mo Rex, gutom lang 'yan. Tara na nga sa Greenwich! Pizza lang ang katapat niyan." Tumawa kami at nagsimula ng maglakad.
-
.
"Ang weird ng feeling bes. Hindi ako mapakali eh."
"Baka naman kinalabahan ka lang para bukas. Kaya mo 'yan!" Sabi ko. May big show kasi sila ng dance troupe eh. Meron kasi siyang routine na dalawa lang silang sasayaw at unang beses niyang bigyan ng spotlight sa grupo.
"Hindi bes eh. Parang iba 'to. It's.. Something more serious.. I can't explain." Hindi mapakali niyang sabi.
"Huwag mo nalang masyadong isipin---"
"Bes, si Rex tumatawag." Kinakabahan niyang sabi. Sinagot niya ang tawag at nag-antay akong matapos sila sa pag-uusap. Teka, tapos na kaya ang gig ni Rex? Papunta na kami 'dun eh. Hindi na kasi namin tinapos 'yung party.
But I clearly saw how her face changed from fine to shock. Napatingin siya saakin ng nanlalaki ang mga mata at binaba ang phone.
What happened?
"B-Bes.. Si Rex raw.. Sinugod sa ospital. B-Bes.. Hawak ng pulis ang phone ni Rex.. B-Bes.." Sabay piyok ni Bea.
Oh my gahd.
"Huh? Bakit? No raw nangyari?!" Umiling siya.
BINABASA MO ANG
Dahil Alam Ko Na (PS #2)
Humor"Maraming namamatay sa maling akala." Love. Hate. Decisions. Complications. Is it really worth it to LOVE? How far will you go for this crazy big thing? Will you still continue even if you face DEATH himself...