CHAPTER 73 ⭐ REX

2.1K 83 10
                                    


#73: Posible Pa Kaya

A/N: Dedicated to one of my active readers. Thanks for the comments!

P.S. Puno ng kadramahan at revelations ang chapter na ito. Enjoy reading! :)

- - - ¤ - - -

Rex's POV

Ever since I saw Kim that afternoon doon sa hotel, I know everything will come down to this. Knowing Kim, kahit pa anong gawin ko, basta ba hindi pa niya alam ang katotohanan and if she doesn't see any good reason behind it, then gagawa at gagawa siya ng paraan para sa alam niyang tama. I really salute her for being devoted to something that will make her loved ones happy. Hanga ako sa klase ng tao na naging si Kim. She never changed, like my sister. Kung may nagbago man sa kanila, both of them got tougher. Even Anne. Ang sakit ng leeg ko nang dahil sa kanya eh. But I am so proud of them.

And it's just a pity I wasn't there when they grew up and was molded to the fine and empowered ladies they are now.


Kung sana lang hindi ako nawalay sa kanila.

Kung sana lang may ibang paraan akong naisip imbes ang magpanggap na patay na.

Kung sana lang hindi ako naging duwag nang dahil sa pag-ibig.


"Tamara." I said her name like it's nothing.


Wala naman na talaga akong nararamdaman para sa kanya. She was my first love but she's not my real love. Puppy love maybe? Pero hindi iyong klase ng pagmamahal na tulad ng nararamdaman ko para kay Sandy ngayon. Ibang iba.


Tiningnan ako ng may pagtataka ng kakambal ko. I can't blame her. She still doesn't know about the girl I fell in-love with when we were in high school. Kahit pa palagi niya akong kinukulit at binablavkmail noon ay hindi ko ibinigay sa kanya ang pangalan ni Tamara for one reason. And that reason is because alam kong hindi niya tatantanan si Tamara. Eh hindi pa naman sanay sa atensyon si Tamara noon. She was a nerd, aloof sa mga tao and would rather spend the day alone in the library with her books.

That's where I first saw her. Hindi ko man kilala ang lahat ng mga kabatch namin but they are familiar to me. But Tamara that time? I knew na transferee siya. And there's something in her eyes which drawn me closer to her when I saw her took her eyeglasses off that day in that library. Siguro ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya and somehow ay nakarelate ako sa kanya. So I started stalking her. Oo, stalker talaga. Nakakahiya mang aminin but I don't have a choice since every time I look at her in the hallway and canteen she would always look away. Isa ako sa mga heartthrobs sa school that time kaya first time na may nangdeadma sa kagwapuhan ko.

I know her classroom, her schedule, the time she goes to the library and the time she goes home. Kapag umaga, inaabangan ko siya sa may gate at nakikita siyang naglalakad lang papunta sa school. Inisip kong baka nagcocommute lang siya pero nakita ko siyang nakasakay sa isang magarang sasakyan nang isang araw nang papunta ako sa bar para sa gig namin kaya nagtaka ako. Kaya inabangan ko siya the next day sa may kanto ng street ng school namin. Napag-alaman kong nagpapababa lang siya doon sa kanto ng school namin at nilalakad nalang patungo sa Xavier. That confused me but I thought she just doesn't want people thinking that she's rich. Kaya doon ko siya mas lalong hinangaan.

Tamara captured my attention kaya palagi akong nasa library every after class kapag wala kaming practice sa gig. I was just silently watching her from afar. Kahit wala naman akong assignment o report, nasa library ako para lang masilayan siya. Naiintriga rin kasi ako sa iniisip niya. Minsan napapansin kong natutulala siya sa binabasa niya tapos isang araw, pasimple niyang pinunasan ang mata niya na bigla nalang lumuha. That scene pushed me to approach her. Iyon na rin ang simula nang pagiging mas close namin. Palagi ko siyang gustong samahan bukod sa library pero ayaw niyang may makakita saamin kaya hindi ko nalang pinilit pa sa kanya. Ayaw niya talagang maging konektado sa kahit na sinong sikat sa school, sabi niya rin saakin. Kaya naman sinasamahan ko nalang siya tuwing lalabas siya. Niyayaya ko rin siya sa mga gig namin pero dalawang beses lang siya nakapanood at hindi pa niya ako nilapitan dahil kabanda ko rin ang bestfriend kong si Clay na sikat rin sa Xavier High. Pero kahit ganon, I was fine with it. I was indeed happy dahil napanood niya ako habang kumakanta.

Dahil Alam Ko Na (PS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon