Simula

469 6 2
                                    

I don't know how long I was standing in front of the door of my mother's office. I looked at the paper I was holding. I wanted to show it to her because it needed her signature as my guardian. Hindi ako sigurado kung papayag siya lalo't tutol siya sa ginagawa ko. But then, I saw this as an opportunity to start my passion outside my comfort zone.

I made a small knock on the door and decided to go inside. I slowly opened it, and I saw her reading some papers that I knew from her work.

"Ma..." her forehead creased when I called her.

"What is it? If it's not important I'm afraid I can't entertain you."

Seryoso nitong sabi at hindi man lang nagtangkang tingnan ako. Lumapit ako sa lamesa niya at nilapag ang papel doon.

She looked at it and stopped what she's reading. Binuksan niya ang papel at binasa ang laman nito. Nakayuko ngunit sinisilip ang magiging reaksyon niya.

"You want me to sign this?"

"Uhm... kailangan po ng consent ng parent para pumunta sa Laguna for competition." I gulped while saying it.

"You still want to do this? Bakit hindi ka sumali sa mga quiz bee? Or anything related to academics. Hindi ito. Mas matutuwa pa ako kung iyon ang sinalihan mo."

"I..." I was cut off.

"Never mind. I'll just sign it." Napayuko ako ng hindi niya ako patapusin magsalita. "Ito lang ba? Kung wala na, you can go now. I have many things to do. I don't want to be disturbed."

She said in finality and dismissively.

"Thank you, po..." I said and got the paper to go out.

Bumuntong hininga ako ng makalabas ng office niya. I know that I'm sad about it. Pero hindi naman ito ang unang beses na ganito ang trato niya sa akin. She's been cold since I was a little. Minsan iniisip ko na baka dahil ito sa paghihiwalay nila ni Papa. Pero wala rin naman akong matandaan na maayos sila noon. Dahil kahit bata pa ako ay madalas na sila mag-away hanggang sa napunta na lang sa hiwalayan.

Madali lang para sa kanila maghiwalay dahil kinasal sila sa ibang bansa. The divorce paper was easily approved.

I was left with my mother, who eventually found her new husband and gave birth to my stepbrother. He is six years old now. My mom got pregnant when I was eight.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagpasya na lang na ayusin ang mga dadalhin kong gamit papunta sa Laguna. Everything was settled there. Sa pagpunta ay ihahatid lang ako pero sa pag-uwi ay sasabay na ako sa bus ng aming school.

I looked at the paper again, which my mother signed. I just hope everything will be okay once I arrive in Laguna.

"Mukhang dito na kayo, Ma'am Siob."

Malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkababa ko pa lang ng aming sasakyan. Maraming estudyante. Iba-iba ang uniform. Iba-iba ang ekspresyon ng mukha.

Nilingon ko ang driver namin na bumaba din.

"Maraming salamat po, Kuya Manzo." Ngumiti ito at binigay sa akin ang canvas na gagamitin ko para mamaya.

"Goodluck, Ma'am. Galingan niyo po!" mahina akong natawa at tumango na lang sa kanya.

Tuluyan na akong lumapit sa gate. Pero bago iyon ay ipinakita ko muna ang pass para makapasok.

Malaki ang school at alam kong dito talaga madalas ganapin ang inter-high. Isa ito sa pinakamagandang school dito sa Laguna. I roamed my eyes around not until I heard someone call me.

"Siob! Siob!"

Mabilis akong lumingon at nakita si Mutya. Napangiti ako ng malaki ng makita ang ayos niya. She's wearing her red badminton jersey while holding her racket. Bagay na bagay sa kanya ang pixie haircut. Pero alam kong mas bagay sa kanya kung pahahabain niya pa ang kanyang buhok.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon