Makalipas ng isang araw ay tukuyan na ngang nakalabas si Aga sa ospital. Everyone was happy because of that. Kahit papaano ay naka-recover naman na siya sa mga injury niya at ang kailangan na lang talaga ay matinding pahinga.
I took care of him for the whole day he got discharged. At alam kong iyon naman din ang gusto ni Aga kahit hindi niya ito sabihin sa akin.
Wala naman problema sa akin ‘yon dahil sa totoo lang ay gusto ko naman talaga siyang alagaan. But Tita Aviel didn't want it because I still have work to do. Kaya tuwing pagkatapos ng trabaho ko ay pinupuntahan ko siya sa bahay ng magulang niya. Pansamantalang doon siya mananatili hanggang sa tuluyan ng bumalik ang lakas niya.
“Is this for real, Siob? Ikakasal ka na?” nakanguso ang mga labi ni Mutya at may pagmamakaawa sa mga mata.
Ibinalita ko kasi sa kanya na engaged na kami ni Aga. She even scream on the phone because she's happy. Pero ngayong kaharap ko siya ay parang nagtatampo.
“You and Ricardo are invited, Mutya. I heard that the two of you reconcile again,” mas lalo siyang sumimangot.
“I don't know if we really are. Yes, we are talking but…” umiling siya at hindi tinuloy ang dapat sabihin.
Base sa mga kwento sa akin noon ni Mutya ay hindi naman talaga matagal nawala si Ricardo. Umuuwi si Ricardo every Christmas and New Year kaya may panahon na nagkikita talaga sila every year.
Hindi naman din kasi sakin binanggit ni Mutya kung bakit hindi na sila ganoon ka close. Dati naman ay hindi sila mapaghiwalay. But then, I know love comes in the way, the reason why they are in an awkward situation.
“Bakit ba napunta sa akin ang usapan? Ikaw ang tinatanong ko, e!” ngumisi ako sa kanya at nagkibit ng balikat.
“Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal. Gusto ko kasi na maging maayos muna talaga si Aga bago ang lahat. Ganoon din naman ang gusto niya para kapag nagplano na kami at inasikaso ito ay magkasama kaming dalawa. Also, we will be having a dinner together with his family so we can formally announce to them our engagement.” Mahabang litanya ko.
“I feel so lonely right now! Ikakasal ka na. Ako na lang ang single sa atin dalawa.” Ungot niya at nag-iwas ng tingin.
“Yayain mo na lang si Ricardo,” pang-aasar ko sa kanya.
“No way!” pinandilatan niya ako ng mata bago irapan. “Pero tinanong mo si Aga kung kailan niya nabili ang singsing?” umiling ako.
“Hindi ko na naisip pang itanong sa kanya. I was too preoccupied that we got engaged. Hindi ko na siya nausisa kung kailan niya pa nabili ang singsing. Maybe after we got married I’ll ask him about it.”
Tumango-tango siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Nandito kasi ulit ako sa condo niya. She always invite me here, and I think that maybe it's true that she felt lonely.
Kaya kapag wala talaga akong ginagawa at hindi pa oras para puntahan si Aga ay sinasamahan ko talaga ang kaibigan. Hindi na rin naman kasi kami nakakapagkita ng matagal dahil sa may mga sarili naman din kaming ginagawa. But we never forget to update each other if something big happened to us.
“Hindi ko talaga ine-expect na magiging kayo ni Aga. You know when we were younger I see him as playboy. Pero wala akong nababalita na nagka-girlfriend na siya noon. Kapag may training kami asar na asar ako sa kanya kasi laging may nakakalokong ngiti. Para akong niyayabangan.” Pumangalumbaba siya habang kinukwento iyon.
“Wala namang na kwento si Aga. Hindi ko talaga alam ang ibang detalye tungkol sa kanya dahil siguro mas gusto niya na makikilala ako. Nalimutan niyang ibahagi sa akin ang ibang magandang pangyayari sa buhay niya.” I said out of nowhere.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
Roman d'amourOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...