Trigger Warning: Obsessive Behavior / Violence / Drugs / Harassment / SA
“Woah! Nasimulan mo na pala?” si Crissy at tiningnan ang clay mud na nakahulma na ng ulo ng tao.
“Hmm, nag-simula ako kahapon. Sinama ko si Agapito dito.” Ngumisi siya.
“Hindi mo ba talaga boyfriend ‘yan?” umiling ako. “Nililigawan ka?” umiling din ako. “E, ano?”
“Wala, Crissy. We’re friends.”
“Naku! Naku! Anong friends? Maniwala naman sa'yo. Baka naman lowkey lang kayo kaya ayaw mo sabihin. Hindi ko naman ipagkakalat.”
Natawa na ako ng tuluyan.
“Wala nga, Crissy. Maniwala ka sa akin.” She rolled her eyes.
Iyon naman talaga ang totoo. Wala naman talagang namamagitan sa amin ni Aga. Oo, umamin siya sa akin pero hindi naman ibig sabihin no’n ay pwede na lahat. Yes I can say that we’re friends. We have the secret conversations at the party we attended months ago. We are on the stage of getting to know each other but not in a dating stage.
Alam kong si Aga ay ganun din ang naiisip. Aga and I clearly understand what's between us. Kaya hindi ko maintindihan ang iba kung bakit tingin nila ay may kung mayroon man sa amin ni Aga. Pero hindi rin kasi namin nilinaw sa iba. Isa pa, ayaw din naman namin na nay makialam na iba kaya mas ojay na itong kaming dalawa lang ang nakakaalam.
“Ewan ko! Ano ‘yan, parang kayo, pero hindi?” natawa ako at nailing na lang sa sinabi niya.
Nag-tagal pa sa pwesto ko si Crissy. Daldal ito nang daldal habang ako naman ay patuloy na naghuhulma ng clay mud. Medyo mahirap iyon kasi may times na nasosobrahan ko sa basa kaya ang nangyayari ay nalalaglag.
Nang mag-breaktime kami ay nagsabay kami nila Vicente at Crissy kasama si Juris. Bumili lang kami ng pagkain at pagkatapos ay bumalik din sa Art Room.
Lahat kami ay hinahabol ang oras para matapos ito. At dahil Friday ngayon ay wala talaga mas'yadong ginawa na school works kaya maluwag ang oras namin ngayon.
“Hanggang anong oras kayo dito? Hanggang 2pm lang ako.” Si Juris.
“Ako hanggang four. Ikaw, Vicente?” si Crissy at nilatag ang mga pagkain niyang binili sa malinis na lamesa.
“Four.” Matipid na sagot nito.
“Ikaw, Siob?” tanong niya ulit.
“Five pa. Susunduin ako e, kailangan ko pa hintayin ang sundo ko.”
Tumango ito.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-message pala si Aga. Napangiti ako at agad na binuksan ang nakalagay doon.
Aga:
I have a practice game today. I’ll come to you after this. Take care.Mabilis akong nagtipa.
Ako:
Okay, hintayin kita.Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko at kumain na. Nang matapos ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
We spent hours doing the sculpture. Halos wala sa amin nagsasalita at tanging buga lang ng aircon ang gumagawa ng ingay at ang mga paggalaw namin. Pero ni isa ay walang nagsasalita.
Tiningnan ko ang gawa ko. Hulmado na ang mismong mukha nito pero hindi pa siya talagang kamukha ni Aga. Bawat haplos ko sa clay mud ay inaalala ko ang paghawak ko sa mukha niya. Natigilan ako at nangingiti. Mabilis akong nailing dahil sa naiisip.
Hanggang sa mag-alas dos na ay naunang umalis si Juris.
“Sigurado kang ayos ka lang dito?” si Vicente.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...