Kabanata 25

92 3 0
                                    

I received calls and text from Aga but I didn't even bother to answer it or read it. Umiyak lang akonsa kwarto ko dahil sa sobrang frustration hindi lang sa nangyari kundi sa sarili. My mother even called me that Aga left after he bought flowers for me. Tiningnan ko ang bulaklak na ‘yon at binasa ang nakalagay sa card.

I’m sorry, Siob. Let's make it up. I miss you and I love you.

Mas lalo akong naiyak dahil doon. Kinabukasan ay nag-ayos na ako ng gamit ko para sa pag-alis. Sa susunod na araw kasi ay kasal na ni Milada kaya naman kailangan ko nang ihanda ang mga dadalhin ko. Two days din kami doon kaya sakto lang ang dinala ko sa luggage. I didn't call nor message Aga. Pero mula kaninang umaga at ngayong hapon ay nakakatanggap pa rin ako.

Aga:
Good morning, Siob :)

Aga: 
I’m already here at the barracks. Dumaan ako kanina sa inyo but Pash told me that you're still asleep.

Aga: 
I’m not entertaining Karla. When lunch came umalis ako sa barracks at naghanap ng pwedeng lugar kung saan kakainin ang lunch ko.

Aga:
I want to taste the food you cook. Gusto kong ikaw ang magdadala ng lunch sa akin. I’ll eat it.

Aga:
I miss you :(

Aga:
I want to see you.

Aga: 
I love you, Siob.

That's the last message I received from him. Hindi ko naman gustong patagalin ang away namin. Ayaw ko lang na kausapin siya na magulo pa ang utak ko. Yes, when I did that thing I calmed. At mas umayos ang pang-unawa ko para sa nangyari. I should've trust Aga in the first place. Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikakaselos ko. Pero siguro dahil na rin sa unang pagkakataon iyon na makaramdam ako ng selos at hindi ko napang-hawakan ng mabuti ang sarili ko. Nagalit ako agad at hindi siya pinakinggan.

And felt sorry for that. Kaya naman sa oras ng pagbalik ko galing sa kasal ni Milada ay kakausapin ko siya ng mas maigi. Iintindihin ko at uunawain ang lahat nang sasabihin niya. 

Ako:
We will talk when I come back. I promise.

Hindi nag-tagal ay mabilis siyang nag-reply. Hindi ba't may trabaho siya? Bakit ang bilis naman niyang makita ang message ko?

Aga:
Saan ka pupunta? Are you leaving me?

Kahit text message lang ‘yon ay naririnig ko ang boses niya. Bigla akong nakonsensya na hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang tungkol sa kasal ni Milada. I was preoccupied to our time together that I forgot I have other agendas this month.

Ako:
No. I’ll be attending my friend's wedding. Ikakasal siya sa Albay. I’ll be there in two days. 

Aga:
Two days are too long, Siob. Hindi ba kita pwedeng puntahan ngayon?

Ako:
Babalik din ako agad. We will talk after this.

Aga:
Can I fetch you?

Ngumuso ako dahil parang gumagawa talaga siya ng paraan para makita ako.

Ako:
Hindi na. Just focus on your work. I promise that we will talk and make this up.

After that I received another message from him pero hindi na ako nag-reply. Buong hapon ay nag-ayos lang ako ng mga dadalhin ko at kung ano-ano pa. Alam kong napapansin ni Paco ang pagiging magalaw ko sa bahay pero hindi naman siya nagtanong.

Nang dumating ang oras na ihahatid na ako sa terminal ay kasama ko ang kapatid kong si Paco. Siya ang naghatid sa akin sa commute. We have cars naman pero dahil wala pang license ang kapatid ay kinailangan namin mag-commute.

“Take care, Ate.” 

Tumango ako sa kanya at niyakap siya. Pumasok na ako sa loob ng bus at nanatili ang kapatid kong nakatayo doon. Panay ang tingin niya sa kanyang orasan. Makalipas ang ilang minuto ay puno na ang bus at handa na sa pag-alis. Parang hindi naman mapakali ang kapatid ko sa kinatatayuan niya at nang may makita siya ay mabilis itong nagtaas ng kamay.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon