Kabanata 24

130 2 0
                                    

We continue kissing. I can taste the alcohol he drink earlier. Tumigil lang kaming dalawa nang pakiramdam ay kailangan nang lumanghap ng hangin. Pinagdikit niya ang noo namin dalawa at tanging paghinga lang ang gumagawa ng tunog sa pagitan namin dalawa. 

“Mahal kita, Siob…” ngumiti ako at mabilis na pinatakan ng halik ang tungki ng kanyang ilong. Mahina siyang natawa dahil doon. 

“Mahal din kita, Aga. Sa pagkakataon na ito ay gusto kong mas ipakita sa’yo kung ano talaga ang nararamdaman ko. I won’t hide it anymore.”

Muling nagtama ang mga labi namin dalawa. 

“I guess we really need to sleep?” tanong ko sa kanya habang nangingiti.

“Hmm, you’re right.”

Binigay ko sa kanya ang damit na hiniram ko kay Pash. Mabilis niya naman iyong sinuot at inakay na ako para sa paghiga. Nakaunan ako sa kanyang braso habang nakahiga ng patagilid. Siya naman ay nakatagilid din nang higa, nakaharap sa akin habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Nakatulog ako sa ganoong posisyon.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Wala na si Aga sa tabi ko kaya mabilis akong napabalikwas nang bangon mula sa higaan. Hindi na ako nagtangka pang tingnan ang sarili sa salamin at patakbong bumaba sa hagdan. At doon ay naabutan ko si Aga, Tito Paul, at Papa na nagkakape sa may sala. 

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi magiging maayos ang umaga lalo’t dito matulog si Aga sa bahay. Sa kwarto ko. Pero mukhang hindi naman nagalit si Papa. 

Nag-tama ang mata namin ni Aga at agad siyang ngumiti sa akin. Bumaling sa akin si Papa at Tito Paul kaya naman bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa ayos ko. Nataranta kasi ako na wala siya sa tabi ko kaya agad akong bumaba.

“Good morning, Siob…” Aga said and sipped on his cup of coffee. Prenteng nakaupo sa couch.

“Uhm…good morning, balik muna ako sa kwarto.” 

Tipid lang silang tumango sa akin kaya mabilis akong umakyat sa kwarto para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos mag-ayos ay agad din naman akong bumaba upang makisalo sa kanila. Nasa dining hall pala si Mama at Tita Mary kaya naman tumulong na ako sa kanila sa pag-aayos ng pagkain.

Pagdating nang tanghali ay umalis na si Aga dahil tulad nga nang naisip ko kagabi ay may trabaho pa nga siya. Kaya naman naisipan kong dalhan siya ng lunch bukas. Ako naman ang babawi sa kanya. Mabuti na lang din at nakuha ko ang schedule niya para bukas. 

Wala naman ako mas'yadong ginawa buong araw. Siguro ang pinaka-ginawa ko lang ay ang inayos ang magiging activity ng mga estudyante ko. Pagkatapos no’n ay wala na. Kaya naman nang makaramdam ng pagkabagot ay tinawagan ko si Mutya para magkita kami.

“Bakit ba naka-busangot ka?” hindi ko na napigilang itanong sa kanya.

Mula kasi nang dumating siya ay parang hindi maganda ang mood niya. Naka-order na kami’t lahat ng pagkain pero ang itsura niya ay ganoon pa din. Kaya naman nagtaka na ako sa kanya.

“Wala, may asungot lang kasi na sumulpot kung saan.” 

Ngumisi ako sa kanya. Uminom muna ng juice bago sinimulan ang pagtatanong.

“Is it Ricardo? Bumalik na siya?” kuryoso kong tanong.

“Matagal na siyang bumalik, Siob. Talagang kabote lang ang isang ‘yon. Bigla-biglang sumusulpot.” Nakasimangot niyang sagot.

“You know, okay na kami ni Aga, Mutya. Bakit hindi naman kayo ni Ricardo ang magkaayos?” panghihikayat ko sa kanya.

“Tsk! Napaka-hambog ng lalaking ‘yon. Akala mo kung sino.” 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon