Pinagmasdan ko ang natapos kong sculpture. Ipapasa ko ito ngayon sa school at oras na din nang pagbabalik ko para pumasok. Halos dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos nang pag-uusap at pamamaalam namin sa isa’t-isa ni Aga. Wala kaming naging komunikasyon pagkatapos no’n. Narinig ko na lang mula kay Tito Paul na nakaalis na sila papuntang Canada.
Hindi ko napigilang umiyak dahil sa pangungulila na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Wala akong ibang pinagsabihan sa tunay kong nararamdaman. Kahit sa matalik na kaibigan ay hindi ko sinubukang buksan ito.
Nang dumating ako dito sa bahay ay umiiyak ako. Walang nagtanong kung anong nangyari. Hindi rin nila ako inusisa na hanggang ngayon ay alam kong iniisip nila ang dahilan. May mga pagkakataon na makikita ko silang nakatingin sa akin at kapag nahuhuli ay mabilis na mag-iiwas ng tingin.
Alam ko na malaki ang pagtataka nila pero mas pinili nilang irespeto ang kagustuhan kong manahimik at kimkimim ang lahat.
Laging sumasagi sa isip ko kung kumusta na ba siya doon? Nakapag-adjust na ba siya sa panahon na meron sa Canada? May mga kaibigan na kaya siya? O tinuloy niya ba ang paglalaro ng volleyball doon.
Pero paano nga naman ako makakausad kung paulit-ulit ko siyang iniisip? Siguro, ito rin ang paraan ko para gumaling sa sariling sitwasyon. Parehas lang kami ni Aga na na-trauma sa nangyari, pero siya… na-depress. Depression is not easy. Some may survive. Some are not. And I really hope and pray for Aga’s recovery.
Dumating ako sa school at dumiretso muna sa principal office para ipaalam na babalik na ko sa pagpasok. Sumunod ay pumunta ako sa art room at pagbukas ko pa lang ng pinto ay sinalubong na ako ni Crissy ng yakap. Naka-sunod naman sa kanya sila Juris at Vicente.
“Welcome back, Siobhana!” malakas na sigaw ni Crissy.
“Thank you,” I said and smiled at them.
Pumasok ako sa loob. Wala naman nag-bago sa art room. Nabawasan lang ng ilang gamit dahil matatapos na ang school year ngayon ay may mga g-graduate ng member.
“You made it, Siob,” si Vicente at tinapik ang balikat ko. Tumango lang ako sa kanya at nilibot ang tingin.
Nag-tagal pa ako doon. Nagpa-order pa sila ng pagkain para lang masulit ang pagbabalik ko. I must say that they really missed me a lot. Buong hapon ay nandoon lang ako kasama sila at nakipag-kwentuhan.
Wala naman nagbago sa lahat. Kahit nabalita ang nangyari sa akin ay wala naman nagbabanggit nito. Ang mga estudyante ay mukhang wala lang din sa kanila o baka naman kinausap na sila ng school kaya ganoon. Nagpapasalamat ako dahil sa totoo lang ay ayaw ko na din alalahanin pa ang nangyari sa akin.
Hindi iyon magandang alaala. At masakit iyon para sa batang ako na maranansan ang kaharasan mula sa taong walang puso at awa. Na kahit anong ingat mo para sa iyong sarili ay meron at meron pa rin talaga na nagpapahamak at mananakit sa'yo.
Habang naglalakad ay nadaanan ko ang punong akasya kung saan kami madalas maghintayan ni Aga. Mapait akong napangiti at tiningnan ang puno. Lumakas ang hangin kaya naman sinakop ko ang may kahabaan kong buhok sa aking kamay at nagsimula nang maglakad paalis.
At habang nasa biyahe ay isang balita ang natanggap ko. Tita Mary was rushed to the hospital because her water broke. Manganganak na siya, kaya imbis na dumiretso sa bahay ay nagpa-diretso na ako sa ospital kung saan si Tita Laura dinala.
Pagdating ko doon ay nasa delivery room na si Tita Mary. Mama and Tito Paul were there. Si Papa naman ay palakad-lakad at panay ang lapit sa pintuan kahit pa hindi naman niya makikita ang nasa loob.
“Hindi ba ako pwedeng pumasok?” tanong ni Papa kay Mama.
“Mary is strong, Jeffrey. Kaya niya iyon.” Sagot ni Mama.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomansaOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...