"Siob, hindi ka pa nag-aalmusal?" nilingon ko ang taong nakasalip sa pintuan. It was my mother.
She's already wearing her work attire. Unti-unti ay binuksan niya ng malaki ang pintuan at patakbong pumasok si Paciano doon. Sinalubong ako ng yakap nito sa baywang.
"Hi, Paco!" I squatted and kissed his cheek. Bumaling naman ako kay Mama. "Bababa po ako mamaya."
"It's already late for breakfast, Siob. Your Tita Mary prepared breakfast. I told her to not move around in the kitchen at baka bigla siyang manganak." She said frustratedly at herself.
Ngumiti ako at binuhat si Paco.
"Sinabihan ko na din siya, Ma." Nakapamaywang siya habang nakatingin sa amin ni Paco. "Mabuti naman po at ayos kayong dalawa."
Nakausap ko na si Tita Mary kaya gusto ko din usisain si Mama kahit papaano. My mother does not show her emotion or what she feels. Kaya mahirap siya basahin. Pero kung pipilitin mong intindihin siya doon mo malalaman kung ano talaga siya. At iyon ang isa sa mga natutunan ko kay Papa lalo na kay Tito Paul.
"We're trying. Hindi man gano'n kaayos but I'm trying." Nangungunot ang kanyang noo habang sinasabi iyon.
Ngumiti ako at hindi na nagsalita pa. Umalis din naman siya pagtapos at dinala niya na si Paco sa baba. Tiningnan ko ang sculpture na ginagawa ko. Tatlong araw na ang nakalipas nang sinimulan ko ito. May progress naman na pero hindi pa ganoong kaayos.
Bumaba ako para sa almusal. Wala si Tita Mary doon at baka nagpapahinga na. Ako lang ang nasa kusina kaya nagsimula na akong mag-handa at kumain. Pagkatapos ay naghugas lang ako ng pinggan at bumalik na sa kwarto ko.
Halos buong araw ay ganoon lang ang ginagawa ko. Nakatanggap din ako ng mensahe kay Mutya at kinakamusta ako. Sa sumunod na araw ay may session naman ako with my psychiatrist. Tingin ko naman habang tumatagal ay mas nagiging maayos ako.
Hindi na rin ako nakatanggap ng text kay Aga. I'm wondering why he's not updating me anymore. I did try to call him, but his phone was off.
"Baka naman busy lang si Aga, Siob." Bumuntong-hininga ako sa sagot sa akin ni Mutya.
Dinalaw nila ako ni Ricardo ngayon sa bahay. Inaasahan ko na kasama si Agapito pero wala siya. And I asked them if they see Agapito in school, pero kahit sila ay hindi na ito nakikita.
"Nag-message din naman ako sa kanya. Kaya kapag nag-reply sa akin sasabihin ko sa'yo agad." Ani Mutya at pinapagaan ang loob ko.
"Maybe he's doing something right now. Dadalawin ka din no'n. Sinabi naman niya na dadalawin ka 'di ba?" Tumango ako kay Ricardo.
"I... I'm waiting," sabay nila akong nilingon dalawa.
"Sigurado ka bang hindi mo gusto si Agapito, Siob?" It was a slow question from Mutya. Walang halong panunukso doon.
"I don't know, Mutya." Naiiling kong sagot at halos pinaglalaruan na ang aking daliri dahil sa tanong niya.
"Confused?" hindi din ako nakasagot. "Ikaw lang ang makakasagot niyan. Kailan ka ba naguluhan?"
"Hindi ko alam kung kailan. Pero noong araw na niligtas niya ako kay Jude... may naramdaman akong kung ano sa kanya. Is it because he saved me and protected me? Or is it because I like him since beginning. Hindi ko alam, Mutya..."
Nagkatinginan sila ni Ricardo.
"Kailangan mo talaga siyang makita para makasigurado ka." Mariin akong pumikit at tumango na lang. "We will find him. Alam naman ni Ricardo ang bahay nila. If we found him sasamahan ka namin. Kung hindi ka niya madadalaw ngayon, tayo ang pupunta sa kanya."
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomantikOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...