Kabanata 16

106 3 0
                                    

Nakasimangot si Mutya sa akin. Nasabi ko kasi sa kanya na nagkita at nagkasama na kami ni Agapito. Hindi siya makapaniwala na nakabalik na ito. Tulad ko ay nagulat siya. Buong akala niya ay nasa Canada pa din ito.

Nakakapanibago na kapag magkasama kaming dalawa ay wala si Ricardo. I wonder what really happened between them. Hindi nagku-kwento si Mutya sa akin at hindi ko rin naman siya tinanong tungkol doon. Taon na din ang nakalipas nang huling makasama namin si Ricardo. Hindi ko alam kung nasaan na ito. Nirerespeto ko ang pananahimik niya dahil alam ko naman na dadating sa punto na magsasabi siya sa akin.

Nagbago na din talaga si Mutya. Kung noon ay parang lalaki ito o nagkakagusto sa kapwa babae ay ngayon ay kabaliktaran. She's already a lady like. Babaeng-babae.

Noong una ay nag-adjust pa ako sa mga pagbabago na iyon. Pero kalaunan ay nasanay na din. Siguro noon kasi ay mga bata pa kami. Nalilito pa sa kung ano ang gusto. Kaya ngayon ito na siya. At masaya ako para sa kanya.

"So, anong pinag-usapan niyo?" tanong niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Araw nang Sabado at naisipan niyang dumalaw dahil rest day niya din. Hindi na rin kasi kami mas'yadong nakakapagkita dahil parehas busy sa trabaho.

"Nagkamustahan lang kami, tapos kaunting kwentuhan."

"Iyon lang? Like, hindi niyo pinag-usapan ang tungkol sa inyo?" natawa ako sa tanong niya at umiling.

"Kung mapag-usapan man namin 'yon tingin ko hindi pa ngayon. Akala ko nga ay may girlfriend siya. Noong pumunta ako sa pottery shop ni Moriana ay nakita ko siya doon. I thought there are something between them. Iyon pala mag-pinsan."

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Selosa!" tinuro niya ako gamit ang tinidor. Tiningnan ko lang siya at natawa.

"Hindi, ah." Pagtanggi ko pero inasar niya lang ako lalo.

"Ganyan mga tumatakbo sa isip ng taong nagseselos." Umismid ako sa kanya.

"Hindi nga!"

"Sus! Kung hindi ka nagseselos bakit mo naman agad pag-iisipan ng ganoon si Agapito? Gusto mo pa kasi kaya ganyan ang nasa isip mo."

"Shh!" pigil ko sa bibig niya.

Yes, I do like Agapito. Iyon ang hindi ko nasabi sa kanya nang gabing 'yon. I stopped myself from telling it to him. He's leaving. Ayaw kong maantala iyon at ayaw kong mag-isip pa siya ng kung ano. Ayaw kong isipin niya na may maiiwan siya dito dahil lang sinabi ko ang nararamdaman ko.

Hindi ko maitatanggi na sa lahat ng lalaki na aking nakilala ay kay Agapito lang ako naging malapit. Hindi ko siya maikukumpara sa ibang lalaki dahil halos siya lang naman ang nakalapit sa akin ng ganoon. Siya ang pinagbigyan ko dahil siguro gusto ko din siya.

He's a gentleman. He knows what to do. He knows how to treat me. He's kind. He's soft towards me. Hindi ko mabilang kung anu-anong kabutihan pa ang pinakita at pinaramdam niya sa akin.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung kailan ko siya nagustuhan. Pero alam kong sa mga panahon na kinikilala namin ang isa't-isa ay doon na namuo ang kung anong pakiramdam ko para sa kanya. At hindi ko naman iyon itinatanggi. Hindi din ako naguguluhan sa sariling nararamdaman dahil sigurado akong gusto ko siya.

Hindi 'yon nagbago hanggang sa lumipas ang araw, linggo, buwan, at taon. Siya pa din.

Kaya wala akong naging nobyo. Wala akong pinaunlakan kahit isa. Dahil alam kong siya lang. Siya lang talaga.

Kahit wala akong kasiguraduhan sa lahat ay hindi iyon naging hadlang para gustuhin ko siya. Itinatak ko sa isip ko na kung may girlfriend man siya kapag nagkita kami ay magiging masaya ako para sa kanya.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon