This is the last chapter of Private Hearts.
Enjoy reading!“Paanong nakapasok ulit iyon dito? Ano ba namang klaseng security ang meron kayo? Ilang beses na itong nangyari!”
Galit na galit si Mama at halos pinapagalitan niya na ang mga security guard ng aming subdivision. Nasa likod niya naman si Tito Paul at pinapakalma soya dahil kanina pa talaga siya nagsasalita.
Sobrang bilis ng pangyayari na kahit ako ay gulat pa din. Police came in our house at kasama nito ang dating gobernador. Ang kanyang pananamit noong makita ko kanina ay ibang-iba sa suot niya na mamahalin at marangya noon. Their life really changed after Jude being jailed. At isama na din ang pagiging corrupt niya bilang dating gobernador.
Lahat ng yaman nila ay nawala na parang bula. At ngayon ko lang nalaman ang lahat ng iyon. Far from his mighty aura. His clothes are like a rug. Mukhang luma at parang paulit-ulit lang sinusuot. His face are also different from what I remembered. Mukha siyang tumanda na hindi naaayon sa kanyang edad.
Maybe because they are already poor now. They have no money. No position in the society that they have in the past. Normal na pamumuhay na lang ngayon.
When he saw me he immediately bowed his head. Parang ayaw magtama ang mga mata namin at ilang beses humingi ng tawad dahil sa ginawang gulo ng kanyang asawa. His wife has a mental illness like what we concluded. At nagsimula lang daw ang lahat ng iyon nang mamatay si Jude. Ang nag-iisa nilang anak. They have no money. Kaya hindi rin maipagamot ang nanay ni Jude. The only thing he do is to locked her in her room.
Hindi ko kayang patawarin si Jude sa mga bagay na ginawa niya kahit pa wala na ito. Hindi naman niya pinanagutan ang kanyang kasalanan. Tumakas lang siya sa responsibilidad na dapat niyang kakaharapin. I felt sad also to his victims that so eager to claim their justice. Maybe yes, nahuli siya ng mga awtoridad. Pero hindi pa rin iyon nagsisilbing hustisya para sa iba. At alam kong kulang pa iyon sa kanila. Some people claim their justice using their own hands, and it somehow made them no difference from those people. They are becoming a criminals too because they really wanted their own justice.
Hindi ko maiwasang malungkot at maawa dahil sa sinapit nila. But maybe He has reasons for all of this. I won't justify the bad things they did. This is just a sad reality for them. This is the reality they need to face for the rest of their lives.
“Laura!” unang pumasok si Tita Aviel at sumunod ang asawa nito.
They hugged each other. Nagsimula na agad mag-kwento si Mama tungkol sa nangyari.
Sunod na pumasok sa bahay ay si Aga. Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin sa kanya. Mabilis niyang nahanap kung nasaan ako at humakbang ng malaki para lang makapunta agad sa akin. He squatted and hugged me tightly so we can level. I can feel his tense body.
He cupped my face and check my body if I have wounds or injury that might get from what happened earlier. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya naman hinawakan ko siya sa kanyang pisngi para maagaw ng tuluyan ang kanyang atensyon.
“I’m fine…” malumanay kong sabi sa kanya.
“Are you sure? Hindi ka ba nasugatan? Hindi ka ba nasaktan, o ano naman?” umiling ako at maliit na ngumiti sa kanya.
“Dumating naman agad si Paco kaya walang nangyari sa akin. You don't have to worry…” hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi at dahan-dahan iyong binaba.
Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang madilim na mga mata. Medyo kunot ang noo kaya naman hinawakan ko iyon para matanggal ang pagkakakunot.
“Paco called me after the incident. Tinawagan ko din agad sila Mama para pumunta dito sa inyo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/288514875-288-k248372.jpg)
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomansaOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...