Kabanata 5

203 2 0
                                    

Pagdating sa bahay ay wala pa naman sila Mama at Tito Paul. Ang naabutan ko lang doon ay si Pash na naglalaro habang binabatayan ng isa namin helper. Lumapit ako sa kanya at nang makita ako ay mabilis siyang tumayo at umakto na magapabuhat sa akin. I smiled and reached him. I kissed his cheeks before going to my room.

Nag-ayos lang ako ng sarili at pagkatapos ay nahiga na sa kama. I felt tired for the whole day I spent with Aga. Pero totoong nag-enjoy ako. Naka-received din naman ako ng message sa kanya na agad ko naman nireplayan. Pagdating ng dinner ay tahimik lang naman. Tito Paul and my mother are talking about their work. This has been my routine since then. Kaya naman kahit hindi nila ako kausapin sa hapag ay hindi na bago.

Kinabukasan ay naging busy na ako sa art club. Hindi ko naman napapabayaan ang academics ko kahit pa nagbababad ako sa art club. I don't really sure if my mother is still against me for being artistic but I’m relieved that she doesn't question me anymore.

“So… si Agapito pala ang kinuha mo.” 

May panunukso sa tono ni Crissy nang lumapit ito sa akin habang inaayos ang mga art materials ko.

“Yes,” I just said.

“Bago ‘yan ah. Agapito from the Volleyball Team.” 

Ngumuso ako dahil halata sa kanyang tono ang pag-uusisa.

“Crissy, why don’t you fix your art material too? Hindi na ginugulo mo si Siob diyan.” Napahalakhak ako dahil kita ang pagkabiga sa mukha ni Crissy nang sawayin siya ni Vicente.

“Fine! Kuryoso lang naman ako.” 

Sabi niya pa at bumubulong-bulong. Napailing na lang ako at nag-pokus na lang sa ginagawa. Nang lunch time namin ay nagpasya na lang akong bumili ng light meal. Nakita ko pa si Ricardo at Mutya na magkasama. Hindi ko na sila nalapitan dahil nagmamadali din ako. We have a deadline for this at titingnan ito ng principal namin later on.

Pero sa hindi inaasahan na pagbabalik ko ay nasalunong ko si Jude kasama ang mga kaibigan niya. I felt tense and anxious when I saw him smile at me. Or is it even a smile.

“Hi, Siob. Ikaw lang ata mag-isa ngayon?” He even looked behind me to make sure that I was alone. 

Nakita ko ang ngisi ng mga kaibigan niya sa likod. Napahawak ako ng mahigpit sa akin dala-dala na plastic at ngumiti sa kanya upang hindi naman maging bastos ang aking reaksyon.

“Yes, uhm… una na ako.” 

But before I can leave he immediately walked in front of me kaya mabilis akong napaatras dahil sa gulat. I’m really uncomfortable. May iilang estudyante na nakakita sa amin at parang wala silang pakialam. Takot sa lalaking nasa harap ko at sa grupo niya.

“Naku! Si Jude ‘yan. Kawawa naman si Siob. Mukhang natitipuhan!” 

“Bayolente pa naman siya. At ang hinhin pa naman si Siob bka kung anong mangyari.”

I gulped when I heard some students' opinions about him doing this to me.

“Mr. Ramos, what’s happening?” 

Doon lamang ako nakahinnga ng muwag nang marinig ko ang boses ng teacher. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay at malakas na kabog ng aking dibdib. 

I heard many stories about Jude. We never had any interaction in the past kaya nagugulat ako na nilalapitan at kinakausap niya ako ngayon. And even though I don't know him well, I can see from his actions what person he really is. Kaya ako natatakot. Kaya ako kinakabahan.

“Oh! There's nothing, Sir. I’m just talking to Siobhana.” He said while smirking at me. He even looked at me from head to toe.

“You can go now, Ms. Frejaz.” Malumanay na sabi sa akin ng teacher na para bang alam niya ang paghihirap kong makaalis kay Jude.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon