Kabanata 20

165 2 0
                                    

Tulala ako habang nakaupo sa kama. Tanghali na ako nagising at medyo nakaramdam nang sakit sa ulo dahil sa nainom ko kagabi. At habang nakaupo doon ay tumatakbo ang isip ko sa nangyari sa pagitan namin ni Aga. We really did those things. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. 

Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari sa amin. I initiated it while he’s stopping me. Naputol lang ang pisi ng pasensya niya dahil sa ginawa ko. But I want it. Kung gagawin ko nga ang bagay na iyon ay gusto ko sa kanya. We're adults and we know what's right and wrong. 

I just couldn't resist him last night. Hindi ko rin masisisi ang alak dahil alam ko naman ang ginagawa ko. Umusbong lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi dahil naalala muli ang kagabi.

Nag-asikaso na ako para sa araw na ito. Wala naman akong pasok ngayon dahil araw ng Sabado. I’ll go to Moriana’s pottery shop today. I checked my phone and saw some messages from Mutya, from work, and Aga’s. 

Aga:
Good morning♡

Napangiti ako ng makita ang heart doon. Kailan pa siya naging ganito?

Ako:
Good morning, Aga.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo. 

Pagbaba ko ay naabutan ko si Paciano na nanonood ng TV. He’s serious while watching. Kaya naman kinailangan ko pa siyang kulbitin para lang malaman niya na naroon ako.

“Good morning, Ate…” matipid niyang sabi at muling ibinalik ang mga mata sa pinapanood.

“Good morning,” I kissed his cheeks. “Maagang umalis sila Mama?”

“Yes,” sinulyapan niya ako. “May breakfast doon. Ako ang nagluto.” 

Napangiti ako at pinisil ang pisngi niya.

“Thanks, Paco…” agad akong pumunta sa dining para kumain ng almusal. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto para mag-ayos na at handa na sa pag-alis.

I bid my goodbye to Paco and left our house. Pagdating sa pottery shop ni Moriana ay hindi muna ako nag-avail at sumama lang sa kaibigan sa may counter. I spent hours there and finally did dome pottery when I felt bored. 

I was serious when doing it when suddenly a cup coffee showed in front of me. Nag-angat ako nang tingin at nakitang si Agapito iyon. He’s smiling while handing me the coffee. Pero agad din naman inalis nang makita na puro putik ang kamay ko.

“You're here…” sabi ko at hindi na rin napigilang mapangiti. 

Naupo siya sa bakanteng upuan katabi lang ng akin. At nilapag sa maliit na table ang mga kape. Dalawang cup iyon at alam kong kanya ang isa. He’s not in his usual clothes today. He is in a casual outfit. Mukhang wala siyang duty ngayon.

“I texted you, hindi ka nagre-reply. Kaya pinuntahan kita sa inyo, pero si Pash lang ang naabutan ko doon. He said you came here.” 

“Every rest day ko dito talaga ako. Nabanggit ko na sa iyo ‘yon.” Tumango siya.

“Yes, I remembered.”

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Tumayo ako para mag-hugas muna ng kamay.

“I’ll just wash my hands.” 

I said and went to the sink. A smile never leaves my lips. Nang matapos ay bumalik ako sa pwesto. Napansin ko ang pagsunod ng mga tingin ni Aga. Nagtaas ako ng kilay dahil doon.

“Your coffee…” He handed the coffee to me.

“Thank you,” I sipped there and my eyes are looking ahead. 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon