Kabanata 7

172 2 0
                                    

Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng parke na pinuntahan namin ni Aga. Hindi lang ito basta park, it is a cliff park where if the night comes you will see the city lights. Mabilis akong bumaba sa bike at patakbong lumapit sa nagsisilbing harang. 

“Wow…” I muttered and couldn't take my eyes below.

“I told you. This will be the best place.” 

Dahil sa mas’yado akong namamangha sa lugar ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Aga sa akin. Katulad ko ay tinatanaw niya din ang nasa baba. Napangiti ako. 

“Do you go to this place every day?” sinulyapan ko siya.

“Mostly, but not everyday. Kapag pakiramdam ko kailangan ko tsaka lang ako pupunta.”

“Maganda ang lugar. Kung may ganito malapit sa amin baka lagi akong nandoon. Isa pa, tahimik itong lugar kaya kapag may mga bagay na iniisip ka pwede kang pumunta dito.”

“Hmm…” simple niyang sagot. 

Tumalikod na ako at kinuha ang bag na nakasabit sa hawakan ng bike. Nagdala si Aga ng sapin para pang latag namin. Tinulungan niya naman ako mag-ayos at nang matapos ay parehas kaming naupo doon.

“Mamaya malakas na ang hangin. Maganda ang pwesto natin at mabuti na lang ay maaga tayong nakarating.” 

“Bakit? Marami bang napunta dito?” takang tanong ko.

“Yes, mostly teenagers like us.” 

Tumango ako at nilabas na ang mga art materials ko. Nagsimula na ako sa pag-sketch sa kanya. This time I included his body. Tuwing titingin ako sa kanya ay nagtatama ang mga mata namin.

Tumitikhim ito at nagbaba ng tingin. Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman siya nagsasalita pero ramdam ko na nakatingin siya at pinapanood ang ginagawa ko.

“Matagal mo na bang ginagawa ang pagd-drawing?” He opened a topic.

Tumango ako.

“Since I was little. Siguro kasi iyon ang naging libangan ko kapag wala ang parents ko sa bahay. You know… they're always busy.”

“You’re really good.” Ngumiti ako dahil hindi naman ito ang unang beses na narinig ko ‘yon sa kanya.

“Do you want to know some facts about my art life?” 

I erased some parts where I made a mistake in Aga's face I’m sketching. Hindi siya sumagot kaya sinilip ko ang ekspresyon ng mukha niya. He’s looking at me intently.

“Is it sad?” alanganin niyang tanong.

“Kung sa batang ako, oo. Pero kung ngayon, hindi naman na gaano.” 

“Then, I’m all ears.” 

Ngumiti ako dahil sa nagustuhan ko ang sagot niya sa akin bago nagpatuloy ay tiningnan ko siya ulit. Seryoso na ang kanyang mukha, hinihintay akong magsalita.

“My mother doesn't want me to do arts. Tingin niya ay hindi ito importante, gusto niya mag-focus lang ako sa academics. She tried to stop me many times when I was a little. To the point na palihim akong nagd-drawing sa kwarto ko.” 

I remembered it clearly. 

Takot na takot ako kay mama tuwing nahuhuli niya ako noon. She doesn't hit me. But the words she used inflected on my system. I know that she’s strict before, pero mas lumalala lang iyon nang mag-hiwalay sila ni papa.

“Ilang beses ko na din sinubukan tumigil pero… bumalik pa din ako. Binabalikan ko pa din. Kasi iyon ang kasiyahan ko. That is somehow my escape in my reality. Being alone in our house together with our helpers feels lonely.” 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon