Days passed and Aga is still not around. Hindi ko magawang itanong kila mama dahil alam kong marami din silang iniisip. Idagdag pa ang kaso ko. My friends are visiting me almost everyday, kaya kahit papaano ay hindi ako nababagot sa ospital.
I’m recovering but I did have trauma. Ang mga trauma na nararanasan ko noong wala pang ginagawa si Jude ay was lumala. Mabilis akong magulat o ‘di kaya kapag mag-isa ay nag-iisip na baka biglang pumasok si Jude sa kwarto ko kahit alam kong malabo iyon. I sometimes cry when my parents are sleeping. I was too emotional and mentally unstable.
I got paranoid easily. Kahit sarili kong tatay nang hawakan ako ay halos magwala ako. Na-realize ko lang nang niyakap ako ni mama. Papa Jeffrey was crying at the side while looking at me, because I am terrified and trembling. Hindi ko gusto na gano’n ang mangyari pero sarili kong katawan ang gumawa no’n.
I was apologizing to my father but he just cried and he doesn't want to hold me anymore because of my reaction. He thinks that it was a bad idea to get near me. Nasasaktan ako dahil sa nasasaktan din ang magulang ko at ang mga taong nasa paligid ko.
“We talked to Aga. He’s… fine, Siob. Pero may mga kailangan lang din siyang gawin kaya hindi siya nakakadalaw sa’yo. But expect him this days na bibisitahin ka na niya.” Mutya said.
Hindi ko naman iyon tinanong sa kanya pero mukhang nakikita niyang hinahanap ko si Aga.
“He cared for you very much, Siob. Noong una, ayaw ko sa kanya kasi pakiramdam ko pagti-tripan ka lang niya. Aga is a good friend and companion. Maaasahan mo ‘yon sa lahat hangga't kaya niya. Kaya nang malaman ko na gusto ka niya ay hindi ko siya napigilang suntukin. Siguro na threaten ako na baka masaktan ka. I’m too protected for you. But then, day passed by, I saw how genuine he was. How his feelings for you grow. I saw all of it. Kaya nang siya mismo ang nag-ligtas sa'yo, mas lalo lang tumaas ang respeto ko sa kanya. Mas pinatunayan niya lang kung anong klaseng tao siya.”
Nagbaba ako ng tingin. Ayokong makita niya ang emosyon na namumuo sa akin. I was scared too when I saw him enter the room. Baka kung anong magawa sa kanya ni Jude. Baka masaktan din siya tulad ko.
“Akala ko wala na akong pag-asa noong araw na ‘yon. I tried to escape from him. Pero…”
“Shh… hindi natin alam ang mga plano niya, Siob. Ang mahalaga nakakulong siya. Mas lalo lang siyang nadidiin dahil ang mga biktima niya ay tumestigo din sa mga kahayupang ginawa niya. Your testimony is needed too. Kaya sana mag-handa ka. Hindi iyon magiging madali…” isang yakap ang natanggap ko sa kanya. And somehow it soothes me. It calmed me.
Dumating ang pagpunta ko sa korte. It was a three hour hell for me. Tumagal ang hearing dahil may pagkakataon na nagiging emosyonal ako. I told them every detail I experienced from Jude at mahirap ‘yon kapag inaalala ko isa-isa. Nang makita ko si Jude ay nakayuko lang ito. He looks stressed at namayat din. Mukhang hindi din nakakatulog ng maayos.
Everytime I’m talking I also look at him. Bumabalik sa akin ang mga senaryo na mga ginawa niya sa akin. But I need to be strong. I need to win the case because that should have to be. But then, he will avoid my gaze or bow his head. Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga unang hearings kung bakit ganito na lang ang itsura niya.
Sa proseso ng korte ay sa wakas natapos din. Nanalo kami. Well, it was already won case because of his multiple crime. Habang buhay siyang makukulong. His governor father was there. He looks angry at his son. At nabalitaan ko din na marami na ang galit sa pamilya nila dahil sa mga isyung lumabas na pinagtatakpan niya. Sa mga kagagawan ni Jude. Sa mga krimen na ibinaon nila sa limot.
Nakalabas ako ng ospital pero wala pa din si Agapito. I somehow lost my hope to see him. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hangga't maaari ay iniintindi ko. I missed him. I really do.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomansaOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...