Kabanata 2

277 4 7
                                    

I looked at the sketch I did. I scratched my nose.

“This is not perfect,” I said.

His eyes are almond. Not like this. Naiiling akong sinara na lang ang sketch pad at nagdesisyon na matulog na lang.

Kinabukasan ay maaga akong naka-receive ng text message mula kay Mutya. May usapan kami na sabay mag-lunch pero dahil pinatawag sila nang kanilang coach ay mukhang malabo na iyon. I also texted Ricardo and he said that he will go with Mutya.

Hindi naman siya mahilig sa sports pero pagdating kay Mutya ay kahit gaano pa siya ka busy ay sinasamahan o pinapanood niya ang bawat laro nito.

“You’re really good!” 

Only a small smile plastered on my lips. We are now in the art room. Our president decided for us to have a theme in the activity we did here in the Art Club. Ilalagay ito sa front ng bawat building nang aming building. 

The Art Club is active, the reason why some students are really curious about what we do or what we will do in the future. 

“You’re piece didn’t really disappoint me. Sa lahat ng mga pinasa mo ay walang tapon. Everything seems perfect. May pinagdadaanan ka ba?” 

I laughed at him.

“Just kidding. Continue what you’re doing. I’ll be back after a minute.”

Pagkaalis ni Vicente ay napatitig ako sa piece na aking ginawa. Actually, I didn’t put so much effort into this. I just did what our President wanted for a theme and that is to paint a scenery from our school. Napili ko ang puno ng balete. Sa ilalim no’n ay isang mahabang upuan ngunit ang kakasya lang ay dalawang tao. Gumanda lang ito lalo dahil sa mga ginamit kong kulay, that balanced the whole piece.

Tumayo ako sa aking upuan at bahagyang inunat ang likod dahil sa matagal na pagkakaupo.

“Ikaw talaga laging nauuna sa atin, ‘no? Ay, ang ganda!” Crissy stands beside me. Bahagya pa siyang yumuko para makita talaga ng maigi ang detalye ng painting ko.

“Bagay yan sa ABM building. Doon malapit ang balete e.” 

“Tingin mo?” tumango-tango siya at humawak pa sa kanyang baba para mag-isip.

“Anong naisip mo nung pinipinta mo yan? Alam mo ba ang usap-usapan tungkol sa puno na yan?”

Umiling sa kanya.

“May kwento ba tungkol sa puno na yan?” 

Mabilis ang kanyang pagtango at mas dinikit ang sarili sa akin. Lumingon-lingon pa siya at iminuwestra na bahagya akong yumuko upang marinig ko ang kanyang sasabihin.

“Usap-usapan na may kapre daw diyan!” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“W-What?” 

“Matagal na panahon na daw yun. May ilang estudyante na nag-aral dito ang nakakita. Gusto man nila tanggalin ang puno ay hindi pwede kasi tuwing susubukan ay nagkakasakit ang taong gagawa!” 

Napatikhim ako at mas natuon na ang atensyon kay Crissy. I never heard anything like that not before Crissy told me this kind of creepy story.

Alam ko ang mga kwentong engkanto dahil na rin kay Mutya. Pero ang marinig ito sa ibang tao at talagang parang totoo ay hindi ko mapigilang pagtaasan ng balahibo.

“Tapos ito pa ang napili mong ipinta! Naku!” naiiling niyang sabi at niyakap ang sarili na para bang takot na takot siya.

“Puro ka na naman kalokahan, Crissy! Tinatakot mo si Siob!” I heard one of the members of the Art Club butt in.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon