Kabanata 1

382 7 0
                                    

Pinunasan ko ang iilang butil ng pawis sa aking noo pagkatapos mabuhat ang panghuling balde na may laman na tubig. Gagamitin ito sa art room at dahil maaga akong nakarating ay ako na mismoang gumawa ng ibang gawain sa club.

I stretch my body and continue what I'm doing. Wala masyadong estudyante lalo't oras pa lang naman ng klase.

Hinila ko ang balde papasok sa loob ng club room at nakapamewang na pinagmasdan ang mga kagamitan sa loob nito.

Hindi ko inaasahan na mapapapayag ko si Mama para pumasok sa school na ito. I did not beg her but I always tell her how much I want to study here. Sa mga araw na panunuyo ko para pumayag siya ay sa wakas ay pinahintulutan niya ako.

I will study in Laguna only for my senior-highschool years. After that, babalik na ulit ako sa Cavite. Ayos na iyon sa akin basta't makasama ang mga kaibigan at maging independent para sa sarili.

Alam ko naman na tama si Mama na masyado pa akong bata para sa ganoong bagay, pero marami akong gustong maranasan. At magagawa ko lang iyon kung malayo ako.

"Siob? Ang aga mo naman!" Crissy entered the club room.

"Hmm, napaaga ang class out ko."

Sinuot niya ang kanyang apron na nakasabit sa gilid malapit sa pintuan kasama ng iilang apron doon.

Kumuha na rin ako ng akin at sumunod sa kanya papunta sa mga art material. Pero hindi pa siya nakakarating ay napansin niya ang tatlong balde na may laman na tubig.

"Ikaw lahat nag-igib nito?" marahan lang akong tumango sa kanya. "Sana sinabihan mo kahit isa sa mga lalaking members ng art club. Si Juris sana."

"Ayos lang naman, tsaka sobrang aga ko talaga kanina. At kung hihintayin ko pa ang ibang lalaki para mag-igib nito ay mauubos lang ang oras natin."

Ngumiti ito sa akin.

"You're so nice, Siob."

Naiiling niyang sabi at tinapik ang balikat ko.

Hindi basta-basta nakakapasok sa Art Club na ito. Before I became a member of the club, I passed some of my sample works and did some interviews. They want to have a member who really loves arts and colors. Kaya kakaunti lang din talaga ang member Art Club dahil doon. Si Juris at ako ang pinakabago sa member.

Sabay na kaming nag-ayos ng mga gagamitin ng club para sa aming pagpipinta habang hinihintay ang iba.

Makalipas ang oras ng paghihintay at dumating na ang iba. Nag-ayos lang ang mga ito ng sarili at pagkatapos ay napagkasunduan ng pumunta sa gymnasium stage. Doon kasi kami naatasan magpinta.

We know that we have a painter for our school, but since the school head appreciates our work, they decided to give us some things to do. Wala naman sa aming problema iyon. It was an honor to be noticed by the school head.

Kanya-kanya kaming bitbit ng art materials. Hawak ko ang iilang paint brushes and paints. Nang makarating sa gymnasium ay maraming tao doon. I remember that there are volleyball play today. Kaya siguro maraming tao para manood.

Tahimik kaming pumasok sa loob ng gymnasium at dumiretso na sa stage. Lumingon ako ng marinig ang malakas na hiyawan. It looks like they are having fun.

"Siob, ako na lang mag-outline dito sa baba. Then after mo diyan sa kabila mag-paint yung akin naman ang pinturahan mo." Tumango ako kay Crissy.

Nag-indian sit ako at binuksan na isa-isa ang mga lata ng pintura. May mga kulay akong pinaghalo lalo't siguradong kukulangin kami. Sa lawak ba naman ng stage.

Ang need lang naman namin gawin ay lagyan ng design ang baba ng stage. Which is an art that really compliments our school. Simple lang naman ito lalo't ang presidente ng aming club ang nagdisenyo. Kasama naman kami sa brainstorming, pero siya ang pinakamaraming nailagay na ideya roon.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon