Nanatili siyang nakatingin sa akin. Nakaawang ang mga labi at mapupungay na mga mata. I know that he can't sill process it. Binigla ko ata ang lahat kaya ganito ang naging reaksyon niya. I smiled at him while caressing his face.
"Say something, Aga..." He sighed and hugged me.
"Totoo ba iyon, Siob?" niyakap ko siya pabalik.
"Totoo."
"Bakit mo ngayon lang pinaalam sa akin? Alam mo na kapag sinabi mo sa akin ay agad akong babalik sa'yo..."
Mas ibinaon ko ang sarili sa kanya at sinuklian iya naman iyon ng mahigpit na yakap.
"I was ready to tell you the night I came to your house. Pero sa mga nalaman ko na pinagdadaanan mo, tingin mo ba mas uunahin ko pang sabihin ang nararamdaman ko? I was broken, yes. Pero mas nasaktan ako sa kaalaman na naapektuhan ka ng husto sa nangyari sa akin."
Kumalas ako ng yakap sa kanya. Doon ko nakita ang panghihina sa kanyang mukha.
"Mas gugustuhin kong umalis ka para maging maayos ang kalagayan mo. I also waited, Aga. Kahit wala akong kasiguraduhan na babalik ka. Hindi ko sinubukang kumilala ng iba dahil alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin naman ang hahanapin ko."
Maliit akong ngumiti sa kanya. Titig na titig ito sa akin, pinoproseso lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ko. At habang binabanggit ko sa kanya iyon ay muling bumabalik sa alaala ko ang mga panahon na nasa sitwasyon ako na iyon.
"Aga, noong nakita kita ulit hindi mo alam kung gaano ako kasaya at kapanatag lalo na at naging maayos ka. Wala akong naging balita sa'yo kahit kanino. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang mga bagay na meron tayo. Ang mga alaala na parehas natin pinagsamahan."
Huminga ako ng malalim.
"Pasensya na kung kailan nasa bingit ako nang kapahamakan ay doon ko lang napagtanto kung gaano kita kagusto."
"Siob..." Tila nahihirapan niyang sabi.
"Akala ko noong una mawawala ito dahil bata pa naman tayo pero sa mga nagdaang taon...ikaw pa rin, e. At nang makita kila ulit mas lalo lang lumala na para bang hinihila ako palapit sa'yo." Kinagat ko ang aking ibabang labi at diretso siyang tiningnan sa mga mata niya. "Mahal kita, Aga..."
Muli ay binalot niya ako ng mahigpit na yakap. I can see the pain in his eyes. He regrets that he didn't know those things not until I said it today.
"I'm sorry," He whispered. "Hindi na sana ako umalis at dito na lang nagpagaling. I leave you, Siob. I'm sorry..."
"It's not your fault, Aga. It will never be your fault. Things between us in the past are not our time. Mga bata pa tayo noon. Mahirap panghawakan ang mga emosyon na meron tayo. At tama lang na umalis ka dahil hindi ko naman kakayanin na nandito ka at paulit-ulit na babalik sa isip mo ang nangyari sa akin. I'm happy that at least I didn't stop you."
"Pero nasaktan kita. I didn't know. I was so broken and couldn't think straight because of the trauma I had. I still have an option, Siob. Hindi na sana umabot na umalis ako ng bansa."
"You're successful now, Aga. You're doing fine. Kaya hindi mo kailangan pagsisisihan ang pag-alis mo noon." Pilit kong pinapagaan ang saloobin niya. Dahil kitang-kita ang pagsisisi at panghihinayang sa mga mata niya.
"Mangyayari pa din naman 'yon kahit hindi ako umalis, Siob." Giit niya at bumitiw sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan ang balikat ko.
"Hindi na ulit ako aalis."
It was with finality. His eyes are serious but I can see sparks in there while looking at me.
"Hmm..." matipid kong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...