Kabanata 19

141 2 0
                                    

“Sa bawat araw na naroon ako sa Canada ikaw lagi ang hanap hanap nito,” kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa taoat ng dibdib niya.

Malakas ang kabog nito at ramdam ko ang hapdi ng aking dibdib dahil sa pag-uusap namin na ito.

“I’m sorry if I made you confused on what I'm doing. I was just focusing on making up to you through my actions. Hindi ko na naisip na naguguluhan ka. Wala akong ibang gusto, Siobhana. Yung nangyari kanina sa loob ay alam kong mali dahil wala ko iyong pahintulot. I’m sorry if I hurt you with that. Hindi na ‘yon mauulit, Siob.” 

Tuyo na ang luha sa pisngi ko at medyo kumalma na buhat sa kaninang pag-uusap namin. He makes me calm through the words he’s filling with me. He gave me the assurance I was looking for the whole time. He finally said it. 

“Siob, alam kong hindi ako nanligaw noon sa'yo dahil tulad mo ay gusto mo munang kilalanin natin ang bawat isa. Gusto ko man ligawan ka noon ay nirerespeto ko ang desisyon mo. If that situation can make me near you, I’ll settle for that as long as I can be with you. Iba na ngayon…” tumigil siya at huminga ng malalim. “Liligawan kita. Tulad ng matagal ko nang gustong gawin. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon na mapakita sa'yo ‘yon, pangako… hindi ka magsisisi.”

Hindi agad ako makapagsalita. Mas'yadong nangingibabaw ang nararamdaman ko at hindi makahanap ng tamang salita para sabihin sa kanya.

“This person in front of you is not the same person you met in the past, Siob. Pero ang nararamdaman ng taong ito para sa'yo ay hindi kailanman nag-bago. Mas lalo lang lumalim. Hindi na makaahon pa. Mahal kita, Siobhana. At gagawin ko kung ano sa tingin ko ang tama para sa nararamdanan ko. Ayaw ko ng mapagpaligoy-ligoy pa.” 

He made a move again. Naunahan niya na naman ako. Kung kailan balak kong ako na ang kumilos para sa aming dalawa ay tsaka naman siya gumawa ng hakbang. Ang mga bumabagabag sa akin parang bula na nawala. Bigla akong nakaramdam ng kapayapaan sa sarili. 

Mas lalo ko lamang siya minahal. Mas lalo lang akong nahulog sa kanya dahil sa mga sinabi niya. And I will never forgive myself if I hurt him again. I hurt him once that made him leave me. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko na kakayanin pa kung aalis siya ulit para iwan ako. 

Mahal na mahal ko siya…

“Hmm…” that's the only thing I said before he closed our distance and covered me with his warm embrace.

Bumalik kami sa loob ng school at mukhang hindi naman nila napansin ang pagkawala namin dalawa. We made eye contact when we got near the tables. His rough look doesn't look like one to me right now. His eyes are full of emotions and I can see how peaceful it is. A crept of smile is evident on his lips. 

“Punta na ako sa table namin…” unti-unti ay inalis ko ang pagkakahugpong ng kamay namin.

“‘Wag ka nang uminom. You’re drunk already. Ayaw kong iuwi kang sobrang lasing, Siob. I’ll watch you,” He said softly.

I gave him a small pout that made him chuckle.

“Hindi na ako iinom. At…’wag mo akong panoorin.” I said awkwardly.

“Kanina pa kita pinapanood and I saw how you drink those alcohols. Kung nahihilo ka sabihin mo sa akin. Pupuntahan kita at ihahatid na sa inyo.”

“Okay,” nagtagal pa ang titigan namin bago ako tuluyang humiwalay sa kanya para bumalik sa table namin. 

Saglit ko siyang nilingon at nakitang pabalik na din siya sa table nila. Naagawa lang ang atensyon ko nang tanungin ako ng mga kasama sa bigla kong pagkawala kanina. Nagdahilan na lang ako para wala na sila mas'yadong tanong.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon