Kabanata 29

94 3 0
                                    

Mabilis akong lumingon kung nasaan ang babae ngunit wala na ito doon. Nakaramdam ako nang kilabot dahil sa hindi ko naman ito kilala para sabihin sa akin ang mga salitang iyon.

Pumasok ako sa bahay at inisawalang bahala na lang ito. Maaaring wala ito sa sarili kaya kung anu-ano na lamang ang nalabas sa kanyang bibig. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

Kinabukasan ay hindi nga ako naka-punta kila Aga. Buong araw ay nag-ayos lang ako ng mga gagamitin ko sa klase ko. Naging abala ako doon kaya ang tanging oras na lamang para makausap ko si Aga ay kapag kakain ako o kaya’y magpapahinga. Wala masyadong nangyari sa araw ng linggo ko kaya naman pagdating ng Lunes ay marami akong planong gawin.

“Invited ba kami sa kasal mo?” humagikhik sila. 

Ilang beses na din nila akong tinutukso tungkol sa pagiging engage ko. Kuryoso din sila sa kung sino ba ang fiance ko dahil hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon para makita si Aga.

“Invited kayo,” nakangiti kong sabi habang inaayos ang mga gamit ko sa desk. 

Kakatapos ko lang mag-lunch. Actually, late na ako nag-lunch dahil na overtime ang oras ko sa klase. Kaya hindi rin ako naka-sabay sa kanila kumain.

“Totoo ‘yan ah. Narinig niyo invited daw tayo!” they laughed and teased me more.

“Anong trabaho ng fiance mo, Ma'am? Ang private mo kasi mas’yado, e. Pero hindi naman din masaya ‘yon.” Sabi ni Ma'am Irah.

“Firefighter…” matipid kong sagot.

“Kaya naman pala! Dito ba nagtatrabaho?” muli ay tumango ako.

Nag-patuloy sila sa maraming tanong sa akin na sinagot ko naman. Hindi naman mapanghimasok ang mga tinatanong nila sa akin, kaunting background lang tungkol sa mapapangasawa ko. They are older than me and I treat them as my older sister. Kaya ang makausap sila sa ganitong bagay ay nakakagaan ng loob.

All of them are already married. So they gave me advice about marriage or being a wife. Lahat iyon ay tinatak ko sa isip ko. After that conversation we came back with our work. Pagkatapos ko sa aking trabaho ay dumiretso na ako sa bahay nila Aga. 

That's my daily life for the past four weeks. At ngayong nakikita kong fully recover na si Aga ay talagang nakakagaan ng dibdib. Bumalik na din siya sa trabaho niya at lagi kong pinapaalalahanan na mag-iingat.

Napaangat ako ng kilay nang aksidente kong makita ang kapatid na si Paciano. May kasama itong babae. Hindi sila parehas ng uniform kaya alam kong ibang school ang babae. He's holding a paper bag, tingin ko ay gamit iyon ng babae. Napangiti ako at mabilis na nilapitan silang dalawa. 

I saw how my brother got shocked and didn't know where to look because of my sudden appearance. Ang babae ay nagulat din pero mas lamang ang kuryoso at pagtataka sa mukha.

“Hi!” masaya kong ngiti.

Nalukot ang mukha ni Paco sa akin. At ramdam ko ang iritado niyang presensya sa gilid ko.

“I’m Siobhana, Paciano’s older sister. Nakita ko kasi kayong magkasama na naglalakad. Are you my brother’s girlfriend?” diretso kong sinabi.

My brother groaned and was ready to stop me from what I was saying but I looked at him and smiled. Sinasabing ‘wag niya akong pigilan.

“Oh! Pasensya na po, pero hindi ko po siya boyfriend. Magkaibigan lang po kami!” aniya sa mahinhin na boses.

Pinagtaasan ko ng kilay ang kapatid ngunit direkta na ang tingin sa babaeng kausap ko ngayon.

“Ah…akala ko girlfriend ka. You are?” tanong kong muli sa pangalan niya.

She has short hair. Thick eyebrows. Long lashes. Cute round eyes like a doll. And she even has freckles on the bridge of her nose to her cheeks below her eyes. Her lips are also small, even her face. Hindi siya matangkad at malaki ang height difference nila ng kapatid ko. At hindi ko alam kung paanong nakilala niya ang magandang babae na ito sa harap ko. 

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon