Kabanata 26

105 2 0
                                    

“The house received a call that Kuya Aga rushed to the hospital. Naaksidente sa pag-aapila ng sunog. One of his co-workers died on the spot. If you wanted to go, sasamahan kita, Ate.”

Hindi ako agad nakapag-react. I was at a loss for words because all I thought right now was Aga, who got into an accident. 

Nakapag-usap pa kami kaninang madaling araw kaya hindi ko alam bakit biglang ganito. Kaya ba hindi na siya nag-reply sa akin? I was trembling the whole ride. Mabuti na lang at kasama ko si Pash na umalalay sa akin. I was scared for Aga.

Nakarating kami sa ospital kung saan siya naka-confine ngayon. Mula sa hallway kung nasaan ang kwarto ni Aga ay nakita ko si Tita Aviel na kakalabas lang ng silid. When she saw me, she immediately ran to give me a hug.

“Oh, Siob. Mabuti nandito ka na! Tumawag ako sa bahay niyo para ipaalam sa'yo dahil wala naman akong cellphone number mo. Ang kapatid mo ang nakasagot ng tawag.”

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil gusto ko nang makita ang kalagayan ni Aga. Hindi nga ako makapag-react ng maayos sa mga sinasabi ni Tita Aviel dahil ang mata ko ay nakatingin sa pintuan. Sa loob no’n ay ang aking kasintahan.

“Can I see him, Tita?” my voice trembled. 

“Yes, of course.” 

Inaya niya ako papasok sa kwarto. Purong puti ang sumalubong sa amin. At sa pintuan pa lang ay nakita ko na ang paanan ng kama. Habang papalapit kami ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. And there, I saw Aga laying on his bed. Walang malay. May mga swero na nakakabit at oxygen sa kanyang ilong at bibig. 

I can feel that my eyes got misty. May mga sugat at gasgas siya sa braso at pati na rin sa kanyang mukha. He is peacefully sleeping on his hospital bed. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kaya sobrang bigat ng dibdib ko na naging ganito ang kalagayan niya.

“Mahigit apat na oras na din siyang tulog. He got suffocated when he’s saving a dog and a child that was stuck in a condo building.” Paliwanag ni Tita.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan inabit ang kamay niya. Hinaplos ko iyon ng marahan. At paulit-ulit nagdasal at nagpasalamat sa Kanya dahil niligtas niya si Aga.

“May namatay na isang kasamahan niya sa trabaho. Nakakalungkot man pero sunod-sunod kasi ang sunog tila sinasadya. May mga pagsabog din na nangyari kaya kung hindi man ikaw nakakausap ni Aga ay dahil sa sobrang busy siya.” Tumango ako kay Tita Aviel nang hindi tumitingin.

“Ipapaalam ko kay Mama at Papa ito, Ate. Maiwan ko muna po kayo.” Si Paco.

“Yes, please…” mahina kong sabi. Agad naman lumabas ang kapatid ko.

“I will leave you here, Siob. Hinihintay ko lang si Randy sa labas at magpapabili na din ng makakain.” Niyakap ako ni Tita at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. “Aga will be alright.” 

Tuluyan na siyang lumabas kaya naiwan ako ngayon kasama si Aga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mas may malala pang nangyari sa kanya. I should've known about it. Ang boses niya nang mag-usap kami sa tawag ay tunog pagod. Hindi ko man lang siya kinamusta. 

Tumulo ang luha sa mata ko at hinalikan ang likod ng palad niya at dinikit sa aking pisngi. Ano kaya ang nasa isip niya noong mga panahon na nasa bingit siya ng panganib? I sobbed more.

Hindi man lang kami maayos. Inisip niya ba na galit pa rin ako sa kanya? Hindi na ako galit, Aga. I’m sorry. Please, gumising ka na. I told you to wait for me dahil mag-uusap pa tayo. Pero bakit ganito kita ng maabutan?

Hindi ko namalayan na nakatulog akong umiiyak at kinakausap sa isip si Aga. Nagising lang ako sa mahinang tapik at nang dumilat ay nakitang si Tita Aviel iyon. Bakas ang pag-aalala sa mukha ngunit malambing ang mga matang nakatingin sa akin. Sa likod niya ay si Tito Randy na nag-aayos ng mga pagkain sa maliit na lamesa. At nang bumaling sa direksyon namin ay maliit lang itong ngumiti.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon