Kabanata 8

175 2 0
                                    

When I entered the gymnasium I saw Aga’s team and him doing some warm up. Hindi niya ako nakita dahil sa mas'yadong okupado ang kanyang atensyon sa mga kasama. Tahimik lang akong naupo at pinanood sila. But then suddenly Mayie showed up.

“Hi!” ngumiti ako sa kanya. “I heard that Jude did go to your house. He told us.”

Nakangiti niyang sabi habang ako naman ay napawi ang ngiti.

“Hindi ko akalain na mabilis kikilos si Jude to get you. How was he?” hindi ako nakasagot. “Oh, private matters ba?”

“We don’t talk that much, Mayie.” Simple kong sagot.

“Weh? Don’t be shy, Siob.” 

Umiling ako at maliit na ngumiti sa kanya.

Mayie and I are not that close. Oo, magkaklase kami pero hindi naman ibig sabihin no’n ay dapat na kaming magkalapit. She has her own circle while mine I have Mutya and Ricardo kahit hindi ko sila ka-strand. I’m okay with my two friends.

“Hindi talaga kami nag-uusap. At kung dito man sa school ay hindi rin naman kami nagkikita.”

“Really?” nagtaka siya sa mga sinabi ko. 

“We’re not good, Mayie.”

“What? He told me you are!”

“Not what you think. Hindi ko siya gusto na umaaligid sa akin.” Kumunot ang noo niya.

“Huh? Bakit? Jude is a good guy,” giit niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko gustong siraan si Jude sa kanya dahil magkaibigan sila. Pero base sa mga sinasabi niya sa akin halatang wala siyang ideya sa kung ano man ang ginawa ng kaibigan niya sa akin. Maaaring nagk-kwento si Jude sa kanya pero tingin ko hindi kasama doon ang maling nagawa niya sa akin. He will not admit it. He thinks that it’s okay.

“He did something wrong to me, Mayie.” Mahina kong sabi.

Hilaw siyang ngumiti. Naalala ko noon ang sinabi niya sa akin na may kaibigan siyang gusto akong makilala. Now Jude comes into the picture I realized that he is the one Mayie was talking about. He also told me that he likes Aga at ayaw niya ng kaagaw. 

They are friends indeed

I shouldn't think that way. That's bad, but I can't help but feel it. I’m not always nice. I’m not always an understanding person. I also have limitations. At ayaw ko na ginagano’n lang ako ng taong hindi ko lubos na kilala.

“Mabait si Jude, Siob. Kapag nakilala mo siya ay magugustuhan mo ‘yon. He told me that he wanted you to be his girlfriend kaya tinulungan ko siya na ibigay ang ibang infos mo—”

“You what?” naikuyom ko ang aking kamao.

Nakita niya ang hindi makapaniwalang mukha ko.

“Wala kang karapatan para ibigay ang mga information ko sa taong ‘yon, Mayie! Sigurado ka bang mabait siya? Or ginagamit ka lang niya to seek information about me?” She looks offended by what I’ve said.

“Jude is my friend, Siobhana. How dare you say that! You’ve changed! Siguro tama nga siya. Na inaagaw mo si Aga sa akin. I heard some students talk about you two. Na lagi kayong magkasama. I told you na gusto ko siya at ayaw ko ng kaagaw. What now, Siob? What is this? Kaya ka rin ba nandito kasi papanoorin mo siya? At ano pagkatapos? Saan kayo pupunta?”

She doesn't have rights with Aga. Alam kong walang ideya si Aga tungkol kay Mayie kaya bakit siyabganito umakto. Aga is not a thing or possession. Hindi niya pwede sabihin na kanya si Aga.

Naputol ang pisi ng pasensya ko at napatayo na. Everything she was saying doesn't make sense. Hindi ko alam kung ano ba ang mga pinagsasabi ni Jude sa kanya.

Private HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon