“Your boyfriend? Kailan pa, Siob? At hindi ba umalis ang mga Borromeo kaya paanong naging boyfriend mo siya?”
Hindi makapaniwala na tanong ni Mama. I understand her reaction to this. Hindi ko naman kasi sa kaniya sinabi ang tungkol sa amin ni Aga. At noong umalis ang mga Borromeo ay naging tahimik lang din ako sa nararamdanan.
“We had a thing in the past, Mama—” naputol ang sasabihin ko.
“A thing? Ang bata mo pa noon para mag-boyfriend, Siobhana!”
Sumimangot ako dahil hindi niya man lang ako mapatapos sa sasabihin ko.
“Not a boyfriend-girlfriend thing, Mama. We had a private conversation about getting to know each other. He liked me when we were young. At dahil hindi ko pa siya gusto noon ay nagdesisyon kaming kilalanin muna ang isa’t-isa. The rest happened.”
Paliwanag ko sa kanya. She looks like she's still confused about what I told her.
“So, nagustuhan mo siya kalaunan?” naka-ngiti akong tumango sa kanya.
Humawak ito sa kanyang bibig upang pigilan ang ekspresyon.
“Ang mga pagkakataon na sinusundo ako ni Aga noon, Mama, ay bahagi ng usapan namin. We hangout mostly. At nang may mangyari sa akin ay doon ko lang nalaman ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Kaya nang umalis sila ay nasaktan ako pero hindi ko sinabi dahil wala naman din ibang nakakaalam. Nitong mga nakaraang linggo ay napag-usapan namin ni Aga ang lahat.”
Mama looks like she's happy but at the same time worried because of the truth I didn't tell them.
“I’m sorry, Siob. Wala akong ideya sa mga pinagdaanan mo.” Lumapit siya sa akin para yakapin ako.
“Naiintindihan ko, Mama. Hindi mo din naman kasalanan dahil hindi ko naman talaga balak sabihin sa inyo noon.”
“Kahit na, Siobhana. I should've known better. Alam kong tahimik ka noon pa man pero sana mas nakita ko na talagang may nagbago sa'yo.”
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nagpaalam si Tito Paul na magpapahinga na siya kaya naman naiwan kami ni Mama. At napag-desisyonan na sa living room na lang ipagpatuloy ang pag-uusap.
“Kung ganoon ay gusto kong pumunta siya dito sa bahay at ipakilala ng mas maayos ang sarili niya bilang nobyo mo.”
Tumango ako sa kanya.
“Napag-usapan na po namin ‘yan, Mama. I guess he already told it to Tita Aviel.”
“May alam ba si Aviel tungkol sa inyo?” tanong ni Mama.
“Hindi ko po alam, Ma. But I know Aga, maybe he told his mother about what he feels when he's not okay at that time.”
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. She looks relieved.
“Alam kong hindi naging maganda ang samahan natin noon dahil sa kagagawan ko. At maaaring hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa'yo.” She looks teary eyed. “Siob, gusto kong humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko sa'yo noon.”
“Ma…” She shook her head. Saying that I should listen to her first.
“Hindi ako perpektong ina sa'yo, Siob. Alam ko ‘yon. I know that you felt neglected when I started to build my own family. And everytime you want my time I always dismiss you. I’m sorry for what I have done. Alam kong mali at huli ko na nakita kung kailan dumaan ka sa paghihirap dahil sa lalaking muntik kang pagsamantalahan.”
Yumuko ako dahil ayaw kong makita niya ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
“Patawarin mo ako, Siob, kung dumating sa punto na nalimutan kita. Na hindi ko man lang naisip na may isa pa akong anak. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba ang nararamdaman mo sa panahon na nag-iisa ka?”

BINABASA MO ANG
Private Hearts
RomanceOperation Series #2 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘 Siob, an artist, found comfort in the world of colors and brushes. Aga, a volleyball player from a rival school, was introduced to her by a friend during an inter-high school competition. She was deeply impacted...